HUMINTO ang sinasakyan naming kotse sa tapat ng Police Station sa Makati. Nakatingin na sila sa ʼkin, waring tinatanong ko handa na ba ako kaya tinanguan ko sila. “Mommy, hintay ka po namin dito?” pagtatanong ni Jessi sa akin habang ang kamay niyang nakakapit sa hem ng aking suot. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa hem ng aking damit. “Yes po, hintayin niyo na lamang ako rito, ha? Pagkatapos kong pumasok doon ay pupunta tayo sa amusement park. Gusto niyo iyon?” tanong ko sa kanila. “Yes po, mommy! Ahintay ka po namin, ha?” Tumango ako sa kanila. “Daddies, abantayan niyo po, mommy, ha?” “Yes, Jessi and Jaxon! Kami bahala kay mommy, stay here, ha?” sabi ni daddy Jix. Bumaba na kami sa sasakyan kasama ang dalawa na sina daddy Jix, at daddy Jim. Kasama rin namin sina dad, tito Carlos and

