DUMATING na ang araw ng Sabado, ngayong gabi na ang business party na pupuntahan namin, ang mga Bautista ang host ng event na ito. Nakangiti ako nang malaki sa harap ng vanity mirror nang matapos akong ayusan ni Miss Brielle, ang magaling na makeup artist. “Pangalawa na kayo sa maganda na naaayusan ko, Miss Xanthi. Una ay si Miss Mallory, then kayo po. Ang gaganda niyo,” nakangiting sabi niya sa akin at inayos pa ang buhok ko. “Thanks po,” nakangiting sabi ko sa kanya. “No worries, Miss Xanthi. Lahat ng nilagay ko sa face niyo po ay organic para hindi mapasama sa baby niyo po.” Napatingin siya sa aking tiyan. Alam na lahat ng mga nasa business world ang tungkol sa pinagbubuntis ko. Paano nila nalaman? Sina mom and dad, maging sila tita Jewel ay pinagkalat na nila. Siguro sobrang proud

