BUMABA na rin ako habang humihimig ng kanta ng Starlight. Sobrang saya ko ngayong araw, at parang ang gaan ng aking pakiramdam. “Good morning po, Miss Xanthi! Maging sa little bean niyo po,” saad ng kasambahay namin. “Good morning din po, ate.” Lumakad na ako at dumiretso sa dining hall. “Mom and dad, good morning po!” nakangiting bati ko sa kanila at naupo sa tapat ni mom. “Darling, good morning, also to our apo.” “Good morning, anak and sa apo ko.” Napangiti ako sa kanila at nagsandok na ako ng pagkain. “Naging okay ba ang pagtulog mo, darling?” Tumango ako sa kanya. “Yes, mom! Mahimbing po ang tulog ko kanina, kaya huwag kayong mag-alala. Nakalimutan ko nga po iyong panaginip ko dahil sa himbing ng aking tulog,” sagot ko sa kanya. “Mabuti naman kung ganoʼn, anak...” Nakita ko an

