Matapos iyon ay ginawaran niya ako ng tipid na ngiti. Iyon na siguro ang pinakahuling bagay na inaasahan kong marinig mula sa kaniya, ang magsalita tungkol kay Calix. He said it like he was so sure. Kaya naman sandali akong natulala. He was gone and when I realized that I was just looking into nothingness, napangiti ako sa sarili. Dahil may parte sa aking sumasang-ayon sa sinabi niya. Bumalik na ako sa loob at hindi ko na naabutan pa roon si Calix sa kaninang kinatatayuan niya. Tila nagkasariling-isip naman ang mga paa ko at dinala ako nito papunta sa kaniyang kwarto. Kumatok ako sa pinto niya at hindi nagtagal ang paghihintay ko bago niya ito binuksan. Magulo na ang buhok nito kumpara kanina, ang long sleeves polo niyang suot pa rin ay nakabukas na ang pang-itaas na mga butones, namu