Kahit nakapikit ay damang-dama ko pa rin ang bigat ng aking mga talukap, kakaibang bigat kumpara sa karaniwan. Kakagising ko pa lamang ay parang gusto ko na namang matulog, ayokong bumangon para simulan ang araw ko o ang lumabas sa kwartong ito dahil siguradong nag-iisa lang na naman ako rito. Nakatulog akong umiiyak kagabi. Alam ko naman sa sariling ito ang gusto ko, dahil para sakin ito na lamang ang nag-iisang natitirang paraan upang mahanap ko ang pumatay Lucas. Pero hindi ko alam kung bakit sa tuwing nawawala sa paningin ko si Calix, bigla-bigla na lang ay magsisimula akong pagdudahan ang sarili kong desisyon. Tama nga ba talaga itong pinili kong paraan? Tama pa nga ba itong pinili ko? Maliban sa pakikipagtulungan kay Calix, meron pa nga bang ibang paraan para mahanap ko ang pumata