Calix really didn’t go to work yesterday. Kahit na anong pagpipilit pa ang ginawa ko, ayaw niya talagang umalis. Maybe that’s just fine since he is the boss. But maybe it’s not too, because the emergency that his office called for involves his father, Senator De Varga. Winili ko lamang ang sarili sa Jacuzzi. He left early today. Hindi ko lang alam kung makikipagkita ba siya kay Senator o diretso siya sa trabaho. I didn’t dare ask too. Sa tuwing napupunta sa ama niya kasi ang usapan, bigla na lamang umiiba ang timpla niya, nawawala ang ngiti niya. Pinatong ko ang baba sa likod ng palad habang pinagmamasdan ang tanawin sa ibaba. The mountains of Antique look more beautiful in the daylight. Idagdag mo pa ang bughaw na kalangitang pumapares sa berdeng kalupaan. I could see the tall establis

