Naihanda niya na ang hapag-kainan nang makababa ako. Pinasadahan ako nito ng tingin habang papalapit ako sa kaniya. Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa at agad na napangisi. “Ano namang nginingisi-ngisi mo?” Nagpatuloy lang ito sa pagngisi habang humihila ng upuan para maupuan ko. “Are you really planning on doing this everyday? Uuwi ka para lang samahan akong kumain?” Tumango ito habang umuupo na rin sa harapan ko. “You don’t have to do this. It’s a hassle.” “You’re not a hassle,” depensa niya pa. “Hay. Ang tigas talaga ng ulo mo, ‘no?” “Ayaw mo bang nandito ako?” “G-Gusto. Pero… napakalaking abala sa’yo saka nakakapagod din ang pabalik-balik na pagbiyahe mo. Ayos lang naman ako rito, eh.” “Ayos lang din sakin na gawin ‘to.” Ilang saglit pa akong nakipagtitigan dito na

