Mabuti na lang at nakaabot kami dahil 9:30 nagsasara ang mall. Mabuti na lang din at ngayon kami pumunta dahil papaubos na ang mga tao. Hindi binitiwan ni Calix ang kamay ko sa buong oras na paglalakad namin patungo sa supermarket. At kagaya ng inaasahan ko agaw-pansin nga ito. Siguro ang iba ay namumukhaan siya pero alam kong karamihan ay napapatingin dahil sa hitsura nito. Sa tangkad ba naman kasi niya, sa tindig at pananamit, sa galaw, bawat kibut nito kahit na sino ay mapapalingon. Habang nakikita ang mga babaeng nadadaanan naming humahanga sa kaniya, napapangiti na lamang ako. And the way Calix pays no attention to them makes me smile too. Hindi ko alam kung hindi niya lang ba sila napapansin o talagang sanay na ito sa ganitong atensyon. Humila ako ng isang cart at tinulak iyon s