My mouth was left hung open as I try to catch my breath and process what he just said. Hindi ko matukoy kung alin ba ang dahilan ng malakas at napakabilis na pagtibok ng puso ko, kung dahil ba sa hinihingal lamang ako o dahil sa kaba na pinaparamdam ng taimtim niyang pagtitig. “S-Sorry. It just felt good to touch.” Kinagat nito ang ibabang labi na tila ba nasa pagitan ng pagkatawa at pagkainis dahil sa sinabi ko. Pumikit siya nang mariin at nagbuntong-hininga. He looks really frustrated and I don’t quite understand why he is acting like that. Para itong inis na inis ngunit para ding hindi. “Do you hate it when I do that?” Pagod niya akong tiningnan. He slowly let go of my hands. Unti-unti na rin itong lumalayo. Inayos niya ang laylayan ng bestida ko at mabilis na umakyat na naman ang