My mouth suddenly went dry. Sa halip na depensahan ang sarili ko o itanggi pa ang paratang niya, daglian ko siyang tinalikuran at patakbong lumabas ng kwarto niya. I ran down the stairs until I reached the kitchen. Sinalinan ko ng tubig ang baso at mabilisan iyong ininom pero parang hindi pa rin mawala ang pagkauhaw ko. Talaga bang ginawa ko ‘yon? Paano? Bakit ko naman gagawin ‘yon sa kaniya? Matino ako kapag nalalasing. May iba pa ba akong ginawa maliban doon? O baka mga sinabi? Higit pa ba roon ang nangyari kagabi? Halos sabunutan ko ang sarili dahil sa mga naiisip pero pinigilan ko ang sarili dahil mas lalo lang sasakit ang ulo ko kapag ginawa ko ‘yon. Kaya ba parang ang init ng ulo niya? Dahil sa ginawa ko? Galit ba siya sakin dahil doon? Bigla na lamang akong kinabahan. It