Nilingon ko siya at nakitang pumasok sa kaniyang kwarto. I quickly ran after him. But the door to his room is locked. Ilang beses akong kumatok ngunit hindi niya rin binubuksan. Kaya sa huli ay pinili ko na lamang na hintayin siya sa labas. When he went out of his room, he is already dressed in his usual executive attire. Hinarangan ko siya sa pintuan subalit iniwasan niya lamang ako at hindi pinansin hanggang sa makababa siya. Tahimik lamang akong nakasunod sa kaniya hanggang sa maabot niya na ang pinto. I didn’t dare to say a word, I just waited for him to stop and talk to me. But that didn’t happen. Noong binuksan niya ang pinto, akala ko ay kakausapin niya na ako. But what he said only made the weight of my guilt heavier. “You can stop acting nice now, Hyacinth. The play is over.