Buong oras na nakaupo ako sa harapan niya, nakangisi lang ito habang hindi naman nagbabago ang sama ng tingin ko sa kaniya. We only ordered food because I was too weary to cook. Kung hindi lang naman kasi dahil sa asungot na ito. Kalaunan ay napahinto na ako sa pagkain dahil sa walang tigil na pagngisi niya. He quickly brushed his grin off his face when I sternly stared at him. Para itong kinabahan bigla. “Will you stop that?” He looked around as if he has no idea what I’m talking about. “Stop what?” “Making fun of me.” “I’m not making fun of you,” depensa nito. “Kanina ka pa ngisi nang ngisi riyan. Nakakainis na!” Muli na naman itong ngumisi. “What’s wrong with that? Can’t I be happy?” Dahan-dahang nabura ang kunot sa noo ko. “Happy? Bakit?” Instead of answering, he just