Inalala ko ang mga pagkakataong bigla-bigla na lamang sumusulpot si Hoodie guy, ang bigla-bigla niya na lamang na pagdating sa tuwing kailangan ko ng tulong. Inalala ko ang mga pagkakataong nagkakasama kami, ang mga pagkakataong sinasabihan ko siya ng mga problema ko, ng nararamdaman, ng mga bagay na hindi ko magawang sabihin sa kahit na sino. Ang mga pagkakataong niyayakap niya ako, hinahalikan ang noo ko, pinapakinggan ang pag-iyak ko, pinapatahan ako, at pinapangiti. Inalala ko ang bawat sandaling nakasama ko siya, bawat kabutihang ipinakita niya sakin, bawat segundong naramdaman kong ligtas ako sa kaniya. Ngunit wala roon, wala sa mga 'yon ang nagpaalala sa akin kay Calix dahil una sa lahat kabaliktaran lamang ng ipinapakita ni hoodie guy ang ipinapakita sakin ni Calix noon. Napabags