KABANATA 9

2363 Words
Agad akong naghanda para sa graduation ceremony nang makarating sa bahay. Pinakuha ko na rin sa driver namin ang kotse ko sa hotel para may magamit mamaya. I wore a dress with an off-shoulder top and a flowy bottom. Long sleeves ang klase niyon para matakpan ang namumula pa ring paso sa braso ko. Kulay royal blue ito na pinaresan ko ng kulay itim na high heels. Nilugay ko lang ang buhok ko at naglagay ng konting makeup pagkatapos. Alas dos ako natapos at alas kwatro pa ang graduation. Balak ko pa sanang pumunta sa opisina ni Deon. I haven't heard from him since this morning. Hindi ito nakatawag o nakapagtext man lang. Kahit ako, hindi ko rin nagawang makapagtext o tumawag sa kanya ngayong araw. Gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanya pagkaalis ko kagabi o kung anong nangyari sa buong araw niya ngayon. I still feel guilty for forgetting about our dinner, gusto kong bumawi ngayon kaya lang naging malala ang traffic pagdating ko ng syudad kaya hindi ko na siya nadaanan. I decided to just treat him for dinner later at night. Dumiretso na lamang ako sa eskwelahan. Konti na lang ang hinihintay nang pumunta na ako sa auditorium. Nakalinya na ang mga bata kasama ang mga magulang nila sa labas, naghihintay na magsimula ang programa. Napangiti ako nang makita ang mga estudyante ko, ang liliit nilang tingnan sa mga toga nila. Kumaway ang mga ito nang makita ako, I laughed at that. Honestly, it doesn't make me sad seeing my students graduate. Mas nangingibabaw iyong saya ko para sa kanila. Hindi ako nalulungkot dahil alam kong makikita ko pa rin naman sila pagkatapos. I'm more like looking forward to them growing up, mas nasasabik akong makita silang lumalaki, nagagawa ang mga gusto nila at makita ang magiging kakahantungan nila balang araw. Nakangiti lang ako at pumapalakpak habang pinapanood silang maglakad sa gitna papunta sa stage, sinusuotan ng medalya at yuyuko sa harap ng maraming tao. Seeing their smiles and just how happy their parents are, it makes me the proudest adviser while mentioning their names. Nagkaroon ng picture taking pagkatapos, marami sa mga estudyante ko kasama ang mga magulang nila ang kumuha ng litrato kasama ako. Nagkakwentuhan din kami kaya mas natagalan ako roon kahit tapos na ang programa at karamihan ay nakauwi na. May after party pa sana kaming faculty pero hindi na ako sumama dahil may plano na ako para mamaya. Madilim na nang makalabas ako. I went to the parking space immediately and saw a familiar car parked next to mine. Nakasandal ito sa harapan ng sasakyan, nasa bulsa ang dalawang kamay habang nakatingin sakin. Awtomatikong napangiti rin ako nang makita ang pagngiti nito. Patakbo akong napalapit sa kanya at niyakap siya. "Bakit ka nandito? Kanina ka pa ba?" Pabiro itong tumingin sa relo at bahagyang ngumuso. "Arrived about 15 minutes ago." "Pupuntahan naman talaga kita eh, sana hindi ka na dumaan dito." Nilagay nito ang palad sa tuktok ng ulo ko at hinilig palapit ang mukha niya. "Baka makalimutan mo na naman kasi." "Ito naman. Sorry na, oh." He chuckled because of that. Tinanggal niya ang kamay sa ulo ko at kinilatis ako mula ulo hanggang paa. "Ganda natin ah." I flipped my hair and jokingly looked at him in a sexy way. "Kailan ba hindi?" Pareho kaming natawa. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Iiwan ko na lang ang kotse ko rito, ligtas naman dito dahil may gwardiya pa ring nakabantay kahit sa gabi kaya ayos lang. Habang nasa biyahe, napansin ko ang walang humpay na pagngiti nito. Gusto kong simulan na ang mga kwento kong nireserba para sa kanya, pero hindi ko naman alam kung alin doon ang uunahin. Ang nangyari sa party, ang nakita ko sa park, si Damien o ang lalaking naka-hoodie. I wanted to ask about his day too and about yesterday. Pero ang antok ko na ang sumagot para sakin. I fell asleep without me noticing it. Nagising lang ako nang maramdaman ang pagpatay ng makina ng sasakyan. I looked around and familiarized myself with the dim lit parking lot at the basement of his condo. Tiningnan ko si Deon na kasalukuyan nang nagtatanggal ng seatbelt, hindi napansin ang paggising ko. "Bakit hindi mo ko ginising?" He paused for a couple of seconds when he heard me spoke. "You seemed so tired, kaya hinayaan na lang kita." Sumulyap ito sa likurang upuan. "I just bought dinner from your favourite restaurant para makakain ka agad pagkarating natin." "Deon! ‘Di ba nga babawi ako? Ako dapat manlilibre eh!" He laughed at my lament. Sa huli ay nangako na lang ulit akong babawi sa susunod. Siya ang nagbitbit ng dalawang paperbags ng pagkaing binili niya, nagprisinta naman akong magdadala ng briefcase niya at coat para hindi na siya mahirapan. When we arrived in his unit, I suggested to eat in his room. Sa dami ng nangyari magmula kahapon gusto ko magpalamig ng ulo at pagaanin ang dibdib ko kahit papaano. Magagawa ko lang iyon sa pagtanaw sa city lights mula sa kanyang malaking bintana. He insisted on arranging the table, gusto nitong mag-shower na muna ako at siya na ang bahala sa paghahanda. Dahil iyon din naman talaga ang gusto kong gawin, hindi na ako kumontra. Doon ko napagkumpara kung ano kalaki ang kaibahan ni Deon at Damien. Hindi kagaya ni Deon na kung ituring ako ay parang isang kapatid at ibinibigay ang respetong nararapat lamang sa isang babae, si Damien ay wala niyon kahit konti. Kaya ayaw na ayaw ko sa kanya, kasi nasanay akong si Deon lang ang lalaking kaibigan ko, nasanay ako sa lahat ng ginagawa nito para sakin at sa ganda ng pakikitungo nito. I don't think I need more of male friends if I already have this good of a man. Hindi na kasing pula ng gaya kanina ang paso ko sa braso. Kapag nilagyan ko ito ng ointment para sa paso ay siguradong mawawala rin ito kaagad. Hindi na rin siya mahapdi gaya kanina. I wore a hoodie to hide it from Deon. Looking at myself at the mirror wearing a hoodie, it reminded me of that man at the coffee shop again. "Kumusta ang araw mo?" Paninimula niya nang mag-umpisa na kaming kumain. Nakaupo lang kami sa sahig habang may maliit na mesa sa harap na pinaglalagyan ng mga pagkain. "Saan ba ako magsisimula? Sa naging araw ko kahapon o ngayon?" "Sige, yung kahapon na lang muna." Napabuntong-hininga ako. Huminto ako sa pagkain at tumitig pa muna sa tanawin sa ibaba ng gusali bago magsimula sa pagkukuwento. Sinabi ko sa kanya ang buong detalye, simula noong sumakay ako sa elevator kung saan nagkasabay kami ni Damien, nagkaharap kaming muli ni Calix, sa nangyari noong kinuha ko ang video hanggang sa tinulungan ako ni Damien na makatakas mula sa mga toang humahabol sakin. Deon just listened to me attentively. Hininto na rin ang pagkain kagaya ko para ibigay ang buong atensyon niya sakin. The only part that I skipped was the things Damien told me about his dad and Calix, things he told me when we had a drink. Hindi ko rin sinabi ang nakita ko sa parke pati ang nangyari noong hinatid na ako ni Damien. I just feel like I shouldn't tell it to him. Una, dahil ayokong isipin niyang lumalambot ako kay Calix at baka tuluyan akong maawa sa tao. Pangalawa, alam kong aalamin niya kung sino si Damien, kapag nalaman niya kung ano pa ang ginawa nito sakin ngayong araw, sigurado akong aawayin niya 'yon at ayokong magkagulo o magkaroon pa ng kaaway si Deon dahil sakin. Inabot ko ang bag kong nasa likuran niya lang. Kinuha ko roon ang flash drive na pinaglagyan ko ng video na kuha ng CCTV sa hotel. "Oo, alam ko. It was stupid, I was so stupid. Again." Tumitig lang ito sakin. Isa pang napansin ko mula kanina nang nagkukuwento ako ay wala itong ibang ekspresyong pinakita maliban sa masidhing titig sa mga mata at nagsasalita kong labi. Hindi na ito nagagalit sa mga pinanggagawa ko katulad noong dati. He just listened, that's all. Wala itong komento, nakatitig lang ito. "Kaya ko lang naman ginawa iyon kahit na alam kong napakadelikado kasi pakiramdam ko, magiging sapat na ito para pumayag si Calix sa gusto natin. He is the most successful, walang palya at kapintasang nakikita ang mga tao sa kaniya, sa oras na malaman niyang meron tayo nito, ng isang bagay na makakasira sa kaniya, he will do everything to get rid of it. An almost perfect man like him fears nothing but something that can ruin his reputation.This." Ipinatong ko iyon sa mesa at muling napabuntong-hininga. Hindi ko na kakailanganing sundan siya kahit saan siya magpunta o ilagay ang sarili ko sa bingit ng kamatayan para lang makalikom ng ebidensiyang magagamit ko laban sa kanya. Having this will already be enough. Nakamaskara man siya sa video pero makikilala pa ring siya iyon, isa pa nakita ng lahat ng tao sa party ang isinuot niya sa gabing 'yon. Madadawit din ang pangalan ni Mayor kapag nagkataon and that will make him confess about having associated with Calix regarding that illegal matter. "Ano nang plano mo ngayon?" Inalis ko ang pagkakatitig sa kanya. Binaling ko na lang ito sa madilim na kalangitang natatanaw rin mula sa pwesto namin. I want this over as soon as possible. Pero natatakot din ako. Gusto kong sabihin iyon kay Deon pero sigurado akong pipigilan niya lang ako kapag ganoon. Ipagpipilitan niyang tigilan ko na ito o sasamahan niya ako sa mga susunod na hakbang na gagawin ko. "Bukas na bukas, pupuntahan ko siya. I will show him that video and blackmail him. Kapag tumanggi siya sa gusto ko, ibibigay ko kay Papa ang video. And if he will agree to me, mananahimik ako." Para na itong tuluyang nawalan ng gana sa pagkain. He shifted in his seat to face me. Hinawakan nito ang dalawang kamay ko. Doon ko lang nakita ang pagbabago sa ekspresyong suot niya. He is now extremely worried, nagtatagpo ang mga kilay at nagmamakaawa ang mga mata. Sa higpit palang ng pagsikop ng mga kamay niya sakin, nakukuha ko na ang gusto nitong gawin o sabihin. Na gusto ako nitong pigilan, na tutol ito sa gusto kong gawin at hindi makakapayag. But how his eyes were darted to mine is showing his disappointment in himself, that he can't do anything about it. Even if he is dying to, he knows he can't. "Kung pupuntahan mo siya, it must be somewhere in his territory, right? He can blow your head in one shot. Mapapaligiran ka ng mga tauhan niya. Hyacinth, ano sa tingin mo ang laban mo sa kanila?" Tama siya sa sinabi niyang pupuntahan ko mismo si Calix sa lungga niya pero hindi ibig sabihin niyan ay wala na akong laban. Kahit pa mapapaligiran ako ng mga tauhan niya, I believe I still have the advantage having the video. Kung patayin niya nga ako mismo doon, sisiguraduhin ko pa ring masisira ang pangalan niya. Kung hindi ko man makamit ang hustisiya na para kay Lucas, at least mabibigay ko iyon sa lahat ng taong nasaktan niya at ng ama niya. Kung mamamatay nga ako doon mismo, I'll be buried dead together with his name and fame. "I'll make sure he won't." Bigo nitong binitawan ang mga kamay ko nang marinig ang aking sagot. Bumalik ito sa dating ayos, nakaharap sa bintana ngunit ngayon mas nakadikit na ito sakin. I saw him biting his lower lip in frustration, frustration that he can't do anything to stop me. Nakakunot pa rin ang noo nito na nagpapahiwatig kung gaano itong naiinis, hindi sakin kundi sa sarili niya. Siguro naiisip din nito ang naiisip kong maaaring kakahantungan ng lahat. That I could die on that very spot. That I could die tomorrow. Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga niya and then he looked at me again. Eye contact as intense as before. "Magiging masaya ka ba kapag hinayaan kitang gawin 'yon?" Inabot pa ako ng ilang segundo bago napa-oo sa tanong niya. Simula pa lang naman, lahat ng ito, gusto ko ako lang ang gagawa. Ayokong makialam si Deon dahil ayoko siyang madamay. Kaya oo, magiging mas okay ako kapag wala siya, kapag hayaan niya lang ako, kapag ako lang mag-isa ang pupunta roon. "Magagalit ka ba kapag sumama ako?" His eyes were begging for me to say the answer that he wants to hear. "Oo." Bumagsak ang tingin nito sa mga kamay ko nang marinig iyon. Ngayon ko lang siya nakitang nadismaya nang ganito, mas dismayado pa sa tuwing may hindi siya natatapos na gawain sa opisina, sa tuwing may nakakawalang investors sa kompanya o nagkakaproblema sa trabaho, mas dismayado pa noong nakalimutan ko ang dinner namin dapat kahapon. Bumuntong hininga na naman siya. "Hindi ako sasama." He said softly. Nasaktan ako sa boses niya. Para pagaanin kahit papaano ang loob niya, niyapos ko siya sa mga bisig ko nang napakahigpit. I felt his arms around my body and like me, he hugged me too, tighter. "Kung makapagdrama ka naman dyan ay parang hindi na ako babalik nang buhay niyan. Trust me, okay? Babalik ako. Ililibre pa nga kita eh." Sinamahan ko iyon ng paghagikgik ngunit nanatili lamang siyang tahimik. Gustong-gusto ko nang sabihing natatakot ako nang mga oras na iyon, magmakaawang samahan niya ako. Pero pinigilan ko ang sarili. Iyon man ang totoo ay alam kong hindi ko dapat na gawin iyon. I can be contented putting my life on the line, alone. Hindi ko na kailangang mandamay ng mga taong wala namang kinalaman dito. "You really should come back, Hyacinth. Kasi kapag may ginawang masama ang tarantadong 'yon sa'yo, ako mismo ang papatay sa kanya kahit pa kapalit non ang buhay ko." Napakalas ako ng yakap sa kanya dahil sa narinig. Napatitig ako sa mga mata nitong naghahamon at sa labing nagtitimpi. It was the first time he said something like this, as brute, and terrifying as this. Parang nagduda tuloy ako kung si Deon na best friend ko ba talaga itong kaharap ko ngayon. Parang ayaw kong aminin pero bigla akong kinabahan dahil sa sinabi niya. "Deon..."   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD