"Can you tell me exactly what your real intention in attending the party was?"
Matulin ang takbo ng sasakyan, binuksan ko ang bintana sa tabi ko para langhapin ang hangin sa madaling araw. It was around 1AM now, kanina pa ito tumatakbo pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin kami nakakarating sa bahay. This road seems to be endless, gusto ko nang makauwi at magpahinga.
"Hyacinth."
Ang daming bagay na gumugulo sa isipan ko, sa sobrang dami hindi ko na alam kung alin sa mga ito ang may pinakamalaking epekto sakin. Everything, they just continue to mess up my mind. Mas lalo ko lang na inayawan ang mga ito dahil sa katotohanang tungkol lahat iyon kay Calix.
I don't like him, in fact I hate everything about him. But I don't understand why everything that makes me hate him is now the reason why I’m being like this. Natatakot pa rin ba ako dahil sa nangyari kanina? Kinakabahan pa rin ba ako dahil baka may mga naiwan pang ebidensiya roon na makakapagturo sakin? O naawa na naman ba ako sa kanya noonh makita ko siya?
Hindi ko alam.
"Hyacinth!" This time naramdaman ko na ang paghawak ni Damien sa palapulsuhan ko. I turned to see him already annoyed. Pinalit-palit niya ang tingin sakin at sa kalsada.
"Nakikinig ka ba?"
Kung iisipin, wala naman talaga akong nakikitang rason para maawa sa kaniya. Kaya mas lalo akong naguguluhan ngayon. Bakit ako maawa sa kanya gayong wala naman akong kaalam-alam sa buhay niya? Dahil lang sa nakita kong malungkot siya, may pasa sa mukha, at nag-iisa, dahil lang sa mga sinabi ni Damien, maaawa na ako sa kanya?
I stared at Damien. "'Di ba sabi mo, matalik na magkaibigan kayo ni Calix noon?" Napansin ko ang biglang pagsalubong ng mga kilay nito kahit nasa daan pa rin ang tingin niya.
"Mula ba kanina 'yang Calix na 'yan ang nasa isip mo kaya hindi ka nakikinig sa mga sinasabi ko?" Hindi ako sumagot dahil tama naman talaga siya. Tinanggal ko ang kamay niya sa palapulsuhan ko at binaling muli ang tingin sa labas.
"Bakit ka hinahabol ng mga taong 'yon?"
"Malayo pa ba tayo? Gusto ko nang umuwi." He hissed at my sudden shift of topic.
"Ano ba talagang rason ng pagpunta mo sa party? Sigurado akong hindi iyon dahil lang kay Mommy 'di ba?"
"Pakisabi na lang kay Tita pagkabalik mo na nauna na ako at hindi na nakapagpaalam."
Mahigpit akong napakapit sa upuan ko nang bigla na lamang itong pumreno. Hindi pa rin ako nakakapagsuot ng seat belt hanggang ngayon. Tiningnan ko siya nang masama, and he is doing the same to me.
"Isa pa talaga Damien, sasapakin na kita!"
"Why are you avoiding all of my questions? May tinatago ka?"
"Wala akong tinatago!"
"Then why can't you answer me? Or should I go tell your parents about those men chasing you?" Bahagyang tumaas ang isa nitong kilay na tila tinatantiya ako. I remained battling with the cocky look in his eyes.
Hindi ko talaga gusto ang lalaking ito simula pa lang nang tumapak ito sa kaparehong elevator sakin at huminga ng kaparehong hangin na hinihinga ko. Mas gusto ko pa iyong siya na nakainom kanina. Mukhang nawala na ang impluwensiya ng alak sa kanya kaya nagiging pakialamero na naman ito.
"Bina-blackmail mo ba ako?"
"If you feel like it, then..." Tinatantiya talaga ng isang ito ang pasensiya ko.
"Gusto mo ba talagang sapakin kita, Damien?" He grinned, na tila ba ginagawang biro ang mga sinasabi ko.
Buhat ng matinding pagkakairita sa inaasta niya, lumabas ako ng kotse at umikot sa kabila. Binuksan ko ang pinto nito at marahas itong hinigit sa kwelyo at hinatak siya pababa. Nagpumiglas ito, naguguluhan sa ginagawa ko. Ngunit hindi ako nagpapigil at tinulak ko siya pasandal sa sasakyan at walang pag-aalinlangang tinuhod ito sa tyan.
Napasigaw ito pareho sa pagkakagulat at sakit na natamo. He looked at me in disbelief, gesturing his hand to stop me from making any more violent moves. Hawak-hawak nito ang parteng tinuhod ko.
"Pasalamat ka at ayaw kong madumihan ang pangalan ko sa mommy mo, dyan lang muna ang makukuha mo mula sakin."
"Tomboy ka ba?!" asik niya. Nagtangka akong sisipain ito ulit ngunit naunahan na niya akong pigilan.
"Hyacinth, stop! Jesus Christ! Hindi ko naman inaasahang tototohanin mo ang sinabi mo." He breathed heavily while throwing daggers stares to me. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Ngayon, sagutin mo lahat ng itatanong ko kung ayaw mong dagdagan ko 'yan."
"Now, you're the one who's blackmailing—"
"Pasok!" I interrupted him at umalis na sa harap niya. Malakas kong isinara ang pinto nang makapasok na ako. Tumingin muna ito sakin bago binuhay muli ang sasakyan, he is grinning and looked amused.
"Ipaliwanag mo sakin ang ibig sabihin ng mga sinabi mo kanina sakin."
"Alin doon?"
"Noong uminom tayo, lahat ng mga sinabi mo tungkol kay Calix. Tell me everything about it." I heard him hissed, namuo rin ang kunot sa noo niya, halatang ayaw na ayaw na pinag-uusapan si Calix.
"Why are you so interested about that man? Gusto mo siya?" Mapang-insulto itong tumawa. "I can't believe you've got that cheap preference on men."
"Wala akong gusto sa kanya—"
"Wala? Then I don't see any reason to respond to your questions."
Mariin akong napapikit at kinagat ang ibabang labi dahil sa pagkakainis. Anong gusto niya, sabihin kong may gusto ako sa taong 'yon? O baka naman sa tingin niya talaga may gusto ako kay Calix kaya ganito ang inaasta niya. Kanina noong nasa party kami, kusa lang itong nagkwento dahil hindi naman ako nagtatanong. Ngayong nagawa kong makapagtanong, iniisip niya siguro na gusto ko nga iyon kaya siya nagkakaganito. Playing hard to get.
Hindi na ako umimik matapos iyon. Parang natabunan na ako ng sobrang pagod kaya hindi ko na magawang makipagtalo pa sa kanya. And even if I did, wala ring mangyayari, makikipagmatigasan lang siya. He is a hopeless case. Kung ayaw niyang magkwento, edi huwag.
Akala ko magiging tahimik na ang buong biyahe pagkatapos non pero mas lumaki lang ang galit at inis ko sa kanya. Hindi na nga kami nagkikibuan pero hindi ko naman maiwasang pagtuonan ito ng atensyon dahil sa mga pasimpleng galaw nito, kahit tinatanggi niya ay halata namang sinasadya niya ang pagpapadulas ng kanyang kamay mula sa kambyo papunta sa hita ko. He would say sorry for it and chuckle, and then he will do it again. Sigurado akong hindi ito lasing, sigurado akong sinasadya niya iyon.
Hindi ako naging kumportable, katunayan ay gustong-gusto ko nang bumaba ng sasakyan. Pero pinigilan ko na lamang ang sarili dahil pagod na ako at gusto ko nang makauwi sa lalong madaling panahon. Kapag bumaba ako, wala nang dumadaang taxi sa lugar at ayoko ring mas lalo pang matagalan sa pag-uwi. Kaya tiniis ko na lamang iyon, nilagay ko ang clutch bag sa hita ko at umusog padikit sa bintana.
Nang makarating na kami sa harap ng bahay, mabilis akong bumaba, ni hindi ako nagpasalamat o lumingon man lang sa kanya. There is no need to and I just don't want to. Pero narinig ko itong humalakhak noong naisara ko na ang pinto ng sasakyan. That frigging guy is f*cking creeping me out! Sana talaga huling pagkikita na namin ito.
I directly went to my room, patay na non ang mga ilaw sa buong bahay nang makapasok ako, tulog na silang lahat. Nagbihis at naglinis ako ng sarili bago dumiretso na agad ng higa sa kama. Pero hindi pa ako nakatulog agad. The vision of his face kept showing on my ceiling. Blangko ang kisame ko ngunit parang nakikita ko naman ang mukha niya roon. I just don't understand why it really bothers me this much. Wala naman dapat akong pakialam doon, walang pakialam sa kanya.
Nakatulugan ko nang ganoon lang ang iniisip. Kahit anong pilit ko pang ilihis sa ibang bagay ang isipan, still, his face remained in it. Kahit noong inisip ko na ang nakita kong ginawa niya kasama si Mayor ay nanatili pa rin ang mukha niyang nakita ko sa park sa isip ko.
Nagising ako kinabukasan dahil sa maingay na boses ng kapatid ko. Nang imulat ko ang mga mata ay nakita ko itong nakatayo sa gilid ng kama at nakapameywang.
"Ate! Kanina pa kita ginigising! I need a ride. Ngayon ang alis ko papuntang Cebu, hindi pwede sina mama at papa ngayon at may pinalakad naman si papa sa driver." Hinila na nito ang kamay ko upang pabangunin.
"Yeah, yeah." I rubbed my eyes. "Gimme a minute. Maghahanda lang ako." Tumango ito at lumabas na ng kwarto.
Isang tourism student si Athena kaya madalas ay pumupunta sila sa ibang lugar. Nasa kalagitnaan ako ng pagsimsim sa malamig na tubig mula sa shower nang may matanto. May iisang airport lang sa buong Iloilo at iyon ay ang pagmamay-ari ng mga De Varga. Hindi naman ito ang unang beses na ako ang maghahatid sa kanya roon o ang unang beses na makapunta ako roon, pero matapos ng engkwentro namin ni Calix, natatakot na akong muling tumapak sa kahit na anong lupang nasasakupan niya.
I felt a sudden thump in my chest. Naisip ko ang mga mukha ng mga humabol sakin kagabi, paano kung nandoon sila mamaya? Nakamaskara ako kagabi kaya imposibleng makilala nila ako kung sakaling magkita nga kami 'di ba? Pero paano kung... magkita kami ni Calix?
"No, no , no. Malapad ang airport, imposible."
Busy palagi 'yon, imposible ring nandoon siya o may oras pa para maglibot. Kung hindi sa hidden compound nila sa San Joaquin o pakikipagkita sa mga kasosyo niya sa trabaho, sa opisina niya lang siya nalalagi. Tama ako 'di ba?
Binilisan ko na ang pag-aayos, I just wore my jeans and a plane white V-neck shirt. Ang susi ng sasakyan, cellphone at wallet ko lang ang dinala ko at lumabas na ng kwarto.
Nagulumihan ako nang makarinig ng tawang pagmamay-ari ng isang lalaki mula sa baba. While making my way to the sala, I saw a familiar back sitting on the sofa, laughing with my mom. Agad na kumunot ang noo ko nang makilala kung sino iyon, parang bigla ko nalang gustong isaksak ang susi ng kotse sa kanya habang nakatalikod siya.
"Ma, alis na kami." Walang ganang sabi ko.
Pareho silang lumingon sa akin. Nagtataka ang itsura ni mama habang ngising aso naman si Damien. Umirap ako at hindi binigyan ng eksplenasyon si mama sa supladang pakikitungo ko sa bisita niya. Nang makita ko si Athena na lumabas ng kusina ay sinabihan ko itong sa labas na lamang ako maghihintay.
"Hyacinth, pumunta si Damien dito para sa'yo." Nagbingi-bingihan lang ako sa sinabi ni mama.
Para sakin? I rolled my eyes at the thought. Tuluyan na akong lumabas ng bahay, dala-dala ang bigat sa dibdib dahil sa matinding inis na binibigay ng lalaking iyon. Bumalik na naman sa isip ko ang ginawa nito sakin kaninang madaling araw nang ihatid niya ako. Mas lalong umapaw ang inis sa dibdib ko dahil doon.
Nasa tapat na ako ng gate nang maalala kong naiwan ko nga pala ang kotse sa hotel. Gusto kong mapamura nang sobrang lakas nang mga sandaling iyon. Lalo na nang marinig ko na ang mayabang na boses ng taong may rason kung bakit nasa sukdulan na ang pagkakainis ko.
"You need a ride, woman?"
"May pera ako, kayang-kaya kong magtaxi." Inirapan ko siya at pumunta sa kabilang banda ng kalsada. I saw his car parked in front, sumandal siya sa pinto niyon at nakangising tumitig sakin, ngayon magkaharap na kami.
"Alam mo hindi pa ako nakakapagkape kaya utang na loob alisin mo 'yang pagmumukha mo sa harap ko. Mas lalo akong napipikon!" His grin grew wider. Lumabas na si Athena ng gate at napahinto sa tapat ng kotse ni Damien, naguguluhang hinanap ang akin.
"Ate, saan ang kotse mo?"
"Actually, ako ang maghahatid sa inyo sa airport Athena." Athena looked at him, confused, and back to me again, waiting for an answer.
"Hindi. Magtataxi tayo, Athena."
"Pero ate, matatagalan pa kapag magpatawag tayo ng taxi. I really need to be there as soon as possible. Malelate na ako."
Napamasahe ako sa sentido. Hindi ko pwedeng hiramin ang sasakyan ni papa dahil aalis din sila ni mama. Wala rin ang isa pa naming sasakyan dahil sabi nga ni Athena may pinalakad si papa sa driver namin. Now I’m left with no choice. Nakita kong binuksan na nito ang pinto sa front seat. Athena smiled at him ngunit bago pa man siya tuluyang makapasok ay lumapit na ako sa kanila.
"Athena, dito tayo sa likod." I commanded, hinila ko siya papunta roon. Samantalang pinakita na naman ng kupal ang nakakainis na ngisi niya. God! I swear! Nakakapikon na talaga ang ngisi ng isang ito!
Halos hindi na maipinta ang mukha ko noong nakaupo na kami sa loob. Sinulyapan pa ako nito sa rear mirror bago binuhay ang sasakyan. Mas lalo akong nainis, pinagkrus ko ang dalawang braso at binaling na lamang sa daan ang tingin.
Habang nasa biyahe, he kept on talking to my sister about the tourism stuff. Hindi ako nakinig o sumali dahil ayaw kong kausap siya. I just sat there, praying that this will really be the last time I’m gonna see this assh*le.
Palihim naman akong nagpasalamat nang tumigil na sila sa pag-uusap. Tumawag ang boyfriend ni Athena na si Vince, mas gugustuhin kong iyon na lang ang kausapin ni Athena kahit pa ayaw ko sa kanya para sa kapatid ko.
Napasulyap ako kay Damien sa rear mirror, he was gazing at my direction but not exactly on my eyes. Nasa baba ang atensyon nito at nang matanto ko kung anong tinitingnan niya ay agad akong napasipa sa kanyang upuan dahilan para mapapreno siya bigla.
"What the hell—"
"Eyes on the road, you piece of s**t!" I said between my gritted teeth. Napahinto si Athena sa pagsasalita at napatingin sakin.
"Continue. Wala lang 'yon." Sabi ko. Tumango lang ito at bumalik na ulit sa kausap.
Inayos ko ang damit ko, inangat ko ang V-neck collar nito na naglalantad ng hiwa ng aking dibdib. As what I've thought early in this morning, hindi nga siya lasing nang pasimple nitong dinudulas ang kamay papunta sa hita ko. Manyak lang talaga ang lalaking ito at ngayon nakuha niya pa talagang manyakin ako ulit kahit pa naririto ang kapatid ko. When I looked at the rear mirror again, I saw him grinning while shaking his head.
Binuksan ko ang bintana, parang hindi na ako nagiging kumportableng huminga sa iisang hangin kasama siya. Sa shortcut kami dumaan, kagaya rin ng dinaanan ko kagabi, para mas mabilis kaming makapunta sa airport at para na rin mas bumilis ang oras na kasama ko siya. Pilit kong iniiwasang mapunta sa rear mirror ang tingin dahil panay ang sulyap at ngisi nito sakin mula roon.
Ayaw ko non, lahat ng ginagawa niya ay ang mga pinakainaayawan ko sa mga lalaki. Masyado siyang presko kahit kahapon pa lang naman kami nagkakilala. Naiintindihan ko kung ang irarason niya ay ninang niya naman si mama, pero hindi iyon sapat para hindi niya na ako respetuhin.
Akala ko kagabi mabait ito dahil naging maganda naman ang tungo nito sakin, ngunit kalaunan, noong kaming dalawa na lamang ang magkasama at wala na sa party, nag-iba na ito bigla. Ngayon pinagsisisihan ko nang pumayag akong magpasama sa kanya kagabi, I would be okay being alone at the party though, pero dahil masyado itong mapilit wala na akong nagawa.
Nang matanaw ko na ang napakalaking pangalang "De Varga Airlines" sa tuktok ng isang malaking building, tila doon lang nanumbalik sakin ang kaba sa mga palaisipan ko kanina. I can imagine him sitting on his swivel chair on the top floor of the building. Baka sa mga oras na ito, pinapanood niya ang mga sasakyang palapit sa kanyang teritoryo at isa na kami roon.
Nauna kaming bumaba ni Athena sa may departing area dahil magpapark lang daw siya. Pumayag ako agad dahil naisip kong magandang pagkakataon ito upang takasan siya. Ang plano ko ay aalis agad at maghahanap ng taxi pauwi, iiwan siya dito at pagmumukhaing tanga sa paghahanap.
"Mag-ingat ka doon. If there will be any problem just call me o si mama at papa. You can also call your Kuya Deon." Humalik ito sakin sa pisngi.
"Oo naman ate. Ilang araw lang naman ako mawawala eh, miss mo na ako agad. Sige na, aalis na ako. Babye ate. Ingat din kayo dito." Nginitian ko ito at kumaway habang pinanonood itong lumalapit sa mga kasama niya.
Narinig ko ang pagtawag sa flight nila. Kumaway ulit ito sakin bago sila pumasok sa loob. Nang mawala na sila sa paningin ko, hindi ko naman naiwasang ilibot pa ang mata sa paligid, naghahanap ng mga pamilyar na mga mukha o mga taong baka nagmamatyag sa akin. Napabuntong-hininga ako nang bigong makakita ng isa.
Other than the other passengers, family or friends of the passengers, the workers, ang mga naghihintay at mga gwardiya ng airport, wala na akong iba pang nakita. Kung nasaan man si Calix, siguradong nandoon din ang mga taong humabol sakin kagabi. But as long as I am in his territory, I won't ever be safe. Kaya dapat umalis na ako agad dito.
I leaped at the dropping area, naghintay ako na may dumating na bakanteng taxi. Pero sa halip na taxi ang lumapit sakin ay isang kupal ang nakangisi na namang naglalakad papunta sa direksyon ko. Tinalikuran ko ito para sana umiwas subalit agad niya rin akong naabutan at kinulong ang palapulsuhan ko sa kanyang malaking kamay.
"Uuwi na ako!" I demanded.
"Hindi ka pa nagkakape 'di ba? Para hindi ka na mabwiset sakin, I'll just feed you with coffee." Marahas akong napabuga ng hangin dahil sa sinabi niya.
"Feed? Ano ako aso?" I pulled my arms but it was no use, he is gripping tighter.
Halos kaladkarin ako nito dahil pilit akong nagpupumiglas sa hawak niya. Wala itong pakialam kahit na nasasaktan na ako sa higpit. He just continued walking like I was just a baggage he was dragging. Lumalaki lang lalo ang galit ko sa kanya. Hindi lang dila nito ang magaspang kundi pati na rin ang pagkilos niya.
"Pwede ba bawas-bawasan mo 'yang pagiging presko mo sakin! Kahapon lang tayo nagkita at nagkakilala, pero kung umasta ka ngayon parang ang close natin ah?" He did not dare to look back at me or even say a word.
Pumasok kami sa isang coffee shop. Hahanga sana ako sa tanawin sa labas kung saan makikita ang paglipad at paglapag ng mga eroplano kung hindi lang ang taong ito ang kasama ko. Iniwan niya ako malapit sa bintana at pumunta na siya sa counter. He didn't even ask what I'd like to drink or eat. Bakit pa ba ako mabibigla doon, eh, hindi nga nito alam ang salitang 'respeto' pagiging maginoo pa kaya?
Umirap ako sa likuran niya at binaling sa labas ang tingin. Naghanap ako ng pwedeng paglibangan ng mata habang naghihintay hanggang sa nakita ko ang napakalaking puting eroplano na may kulay asul at itim na mahahabang linya sa paligid nito, at nakasulat doon ang napakalaking pangalang 'De Varga'.
Having a father who is a senator, owning an airline, shopping malls, and condominiums, gaano kaya kayaman ang isang Calix De Varga? Tsaka kung ganito na rin naman kadami ang negosyo at pinagkukunan niya ng pera, bakit kailangan niya pang pasukin ang mga ilegal na gawain? He can even buy an island with just his airline alone.
For a second, napaisip ako. Kung papayag nga ito sa hihingin kong pabor, paano niya naman kaya mahahanap ang pumatay kay Lucas? Ano kaya ang magagawa ng yaman niya para mahanap iyon? I mean, walang iniwang mga ebidensiya ang may gawa non, wala ring nahanap na mga witness, kaya sa anong paraan niya hahanapin ang taong iyon?
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagduda. Pero sa mga koneksyong meron siya, baka hindi naman imposible iyon. Kung tutuusin, he's got all the power in Iloilo or even in the whole island of Panay. Dahil sa pangalan at kapangyarihang hawak niya, naniniwala akong siya lang ang may kakayahang ibigay samin ang hustisiya sa pagkamatay ni Lucas.
Nagising ako nang umingay ang wind chimes na nakakabit sa may pintuan, sinyales na may pumasok. Napatingin ako roon at nakita ang matangkad at may malaking pangangatawang lalaki. Nakasuot ito ng kulay asul na hoodie, nakamaong na pantalon at kulay puting rubber shoes. Hindi ko makita ang mukha nito dahil bukod sa nakayuko, nakataklob ang hood nito sa ulo at may cap pang suot sa loob.
Bumalik na si Damien ngunit hindi ko ito pinansin. Hindi ko naman kilala ang lalaki pero hindi ko magawang alisin ang tingin sa kanya, hindi dahil sa balot na balot nitong porma o sa kakaibang awra na dinala niya sa buong coffee shop, iyon ay dahil pamilyar ang hubog ng pangangatawan niya.
Pumunta ito sa counter at mas naguluhan ako nang magulat ang mga cashier nang makita ito, they all looked so tensed, napatulala sa lalaki na tila hindi alam ang gagawin. Weird.
"Ang cheap talaga ng tipo mo sa lalaki ano?" Walang gana akong napabaling sa kanya dahil sa sinabi. Sa kanya ko lang nalaman na nakakapagod pala ang mainis nang paulit-ulit, dahil iyon mismo ang nararamdaman ko sa tuwing naririnig ang boses at nakikita ang mga ngisi niya.
I looked at his perfectly ironed sweatshirt, nakarolyo ang mga manggas nito hanggang siko niya, nakalagay rin ang brand nito sa harap na pinapakita kung gaano kamamahalin iyon. Nakasuot ito ng itim na pantalon na mukhang bago at leather shoes na parang hindi pa nadadapuan ng alikabok.
Kumpara doon sa lalaki, mas elegante itong tingnan. Mukha itong mamahalin at halatang galing sa mayamang pamilya pero ang hindi ko inaasahan ay magiging bukas ito sa pagiging mapagmataas niya. Sino siya para husgahan ang lalaking iyon nang hindi man lang inaalam ang katauhan niya?
Kung sabihin niya iyon sa harapan ko ay parang katulad niya lang akong mapagmataas din. Pwes, nagkakamali siya. Mas lalo niya lang pinatunayan na tama ako sa mga iniisip ko tungkol sa kanya.
Dumating ang order NIYA. Two cups of hot coffee and two plates of sliced cake of different flavor. Habang inaayos niya ang mga iyon sa harapan ko ay lumampas ang tingin ko sa likuran niya nang maupo roon ang lalaking naka-hoodie, patalikod samin. As I stare longer at his back, parang may imaheng unti-unting nabubuo sa isip ko. He's gradually becoming familiar in my eyes. Ang malapad na likurang iyan, so broad and muscular that even with his shirt on, his muscles are still bulging. Saan ko nga ba nakita ito?
"Eat." Utos niya. Napagulong ang mata ko dahil doon at pagak na napatawa.
"Eh ano naman ngayon kung cheap ang tipo ko sa mga lalaki? As long as they are not like you, it will be okay for me." Nawala na ang ngising kanina niya pa suot, umigting ang panga nito at humuhulma na ang inis sa kanyang mukha.
Kumuha ako ng limang daan sa wallet at nilapag ito sa mesa bago tumayo. Nanatili lamang ang matalim na titig niya sa limang daan na tila doon na lang ibinubunton ang galit na para sana sakin. Yumukom ang kamao nitong nakapatong sa mesa.
"I hope this will be the last time I'll see you." Huling sabi ko at iniwan na siya.
I just want to get away from him. Dahil habang tumatagal parang mas lalo kong nararamdamang hindi ako ligtas sa kanya. After all the stares and touches he gave me and the disrespect he kept on showing me, I don't think I’m safe with this man.
Nasa harapan na ako ng counter nang makaramdam ako ng marahas at mahigpit na paghigit sa braso ko. I groaned in pain. Hinila ako nito, it was so quick that I didn't even see the woman with a tray of hot coffee coming. Dahil sa bilis ng pangyayari, hindi ko na naiwasan iyon at natapon sa braso ko ang mainit na kape. Sa halip na sumigaw dahil sa pagkakapaso roon, kinagat ko na lamang labi. Holding both the pain and so much anger I feel towards him.
Mas lalo akong nagalit sa kanya dahil sinigawan niya pa ang babae sa halip na humingi ng dispensa. Hindi nito pinansin ang napapaso ko nang braso. I pushed him and got away from him grip. Ako na mismo ang humingi ng dispensa doon sa babae, kumuha ako ng isang libo sa wallet para makabili na lang ito ng bago. May dumating ding crew para pulutin ang mga bubog at linisin ang sahig, tutulungan ko sana ito nang higitin na naman ako ni Damien, sa eksaktong braso na natapunan ng kape.
"Sa kotse tayo mag-usap." Mas diniinan ko pa ang pagkagat sa labi, pakiramdam ko ay tutulo na ang luha sa sobrang hapdi non. Pero tiniis ko iyon, ayokong umiyak sa harap niya.
"No! We will neither talk there nor here 'cause I’m done dealing with your shitty attitude. Don't worry, hindi kita isusumbong sa mommy o daddy mo. Why? Kasi baka tuluyan na silang maghanap ng panibagong anak." Malakas kong itinakwil ang kamay niya.
Dumaan ang pagkakapikon sa kanyang mukha ngunit sandali lang iyon. Agad ding napalitan ng mayabang na ngisi na tila tinatantiya ako.
"Why are you being like this to me, Hyacinth? Ganyan ka ba tumanaw ng utang na loob? You're treating me like this after I saved your ass last night?" He tilted his head like measuring me more.
"Gusto mo bang sabihin ko kay Tito na interesado ka na sa mga De Varga? 'Di ba ayaw na ayaw niya sa mga 'yon? Is that what you want? Hmm?" I just stared at him, not wanting to say anymore hurtful words.
Natatakot ako na kapag sagutin ko pa ito at batuhin ng masasakit na salita para isalba ang ego ko ay baka totohanin niya nga ang sinasabi.
Nilampasan na ako nito pagkatapos. And that's the only time I saw the other customers staring at my direction, whispering and judging. Nilunok ko ang nakabara sa aking lalamunan at huminga nang malalim. Hindi ko pinansin ang mga matang nakatingin at tumulong na lamang sa isang crew na naglilinis ng sahig.
Tinulungan niya nga ako kagabi, at nagpapasalamat ako dahil doon. Pero dahil sa pagtulong na iyon, sa tingin ko kaya ganito na siya umasta. Iniisip nito na may utang na loob ako at gusto niyang bayaran ko iyon sa pamamagitan ng pagsunod sa mga gusto niya. At ngayon, tinatakot naman niya akong isusumbong kay papa?
"Ma'am, yung braso niyo po." The girl looked at me worriedly. Ginawaran ko lang ito ng ngiti at pinagpatuloy ang ginagawa.
It was really painful, it was still burning. Gusto kong maiyak dahil sa hapdi niyon pero mas mapapahiya lang ako sa harap ng mga tao dito kapag ginawa ko iyon. Imbes na umalis na, tiniis ko na lamang iyon.
Seconds after, I noticed the girl stopped from what she's doing and before I could even look at what she's looking at, may maingat na kamay nang humila sa akin patayo.
Nambibilog ang mga matang napatitig ako sa lalaking nakahoodie na nasa harapan ko. Nakayuko ito habang tinitingnan ang braso kong natapunan ng kape. He gently wiped some coffee residue left on my forearm with the sleeve of his hoodie. Sobrang ingat niya roon na pawang isang babasaging bagay ang pinupunasan niya.
Narinig ko ang pagsinghapan ng mga nagtatrabaho sa coffee shop. Gulat na gulat ang mga mukha nila na tila hindi makapaniwala sa nakikita. Ang pagkakagulat ko ay ngayo'y nahaluan ng pagtataka dahil doon.
May dumating na isang lalaking may hawak na ice bag. Kinuha niya iyon at siya mismo ang naglagay nito sa napasong parte ng braso ko. Mahapdi iyon pero hindi ko nagawang umaray o mapaigtad, I remained staring at him. Hindi pa rin makapaniwala.
Hindi ko magawang makilala ang taong ito dahil natatakpan ang kalahati ng mukha niya ng dulo ng sombrero. May suot na rin itong black mask ngayon. But one thing I am just sure of is that, he is really muscular. Umiigting ang mga ugat niya sa kamay habang marahang hinahaplos ang braso ko ng ice bag. Hanggang balikat lang ako nito at kung ikukumpara sa laki ng katawan ko, he is massively bigger.
Hanggang sa matapos niya ang ginagawa, hindi ako nakapagsalita. Ganoon din siya, hindi siya umimik man lang. Without even meeting my eyes, he walked outside the coffee shop like nothing happened, leaving the ice bag on my hand. Sino 'yon? Dahil sa pagkakagulat, hindi ko man lang nagawang magpasalamat o tanunging ang pangalan niya. Hindi ko na ito nahabol dahil nang makalabas ako, wala na rin siya, hindi ko na siya nakita ulit.
I went home overthinking about him. Pilit kong inaalala kung saan ko nga ba nakita ang ganoong kamaskuladong pangangatawan. It was really familiar but I just couldn't think of someone that looked like it. Ang isa pang gusto kong malaman ay kung bakit parang kilala siya ng mga nagtatrabaho roon, gulat na gulat ang mga ito nang makita siya. But I guess, hindi pa naman iyon ang huli naming pagkikita. Maliit lang ang Iloilo, hindi imposibleng magkita kami ulit. Sa susunod na magkita kami, babawi ako sa kanya at magpapakilala nang pormal.