KABANATA 7 - Behind the Mask

4159 Words
I was thankful that nobody's inside but me. Sakto namang tumunog ang phone ko, tumatawag si papa. Sinagot ko iyon at sinabi sa kanyang nandito na ako sa party. Hindi na humaba ang usapan namin at sinabihan niya lang akong mag-ingat. Pinagpasalamat ko ring hindi nito binanggit ang tungkol sa pagpaparito rin ni Calix sa party dahil alam kong wala akong maisasagot kapag tinanong niya nga ang tungkol doon. Wala naman talaga akong gagawin dito sa restroom. Ginawa ko lang itong dahilan para makatakas mula sa presensiya ni Calix. Paraan ko na rin ito para pahupain ang kaba at ang napakabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi nga ako nagkamaling konektado rin ang Damien na iyon kay Calix, and of course, his dad. Sa ngayon, ang kinakatakot ko lang ay baka hindi ako tantanan ni Damien. Kapag nariyan siya sigurado akong kukunin lang niyon ang atensyon ni Calix o ang mas malala ay lumapit pa ulit iyon samin para makipagkwentuhan sa kaibigan niya. And I can't allow that, I can't allow any more interactions with him. Masyadong delikado. Nang lumabas ako ay agad namang nanumbalik ang pagkapait ng timpla ko. Nandoon pa rin si Damien na mukhang hinihintay ako, nakasandal sa pader at umayos lamang ng tayo nang makita ang paglabas ko. Iniwas ko ang tingin at umaktong hindi ko siya nakita. Pero dinig ko naman ang mga yabag nitong humahabol sakin. May nakita akong bakanteng mesa. Nakapabilog iyon at napapalibutan din ng mga upuan, may mga kubyertos sa ibabaw nito at wala pa roon ang nagagalaw. Pumunta ako roon para maupo. Sa totoo lang ay nagugutom na ako pero hindi ko naman magawang kumuha ng makakain dahil iniiwasan kong gumala masyado, hindi kasi ito kasing laki ng nakaraang party na dinaluhan ko kaya mas mataas ang posibilidad na makasalubong ko rito si Calix. Walang Damien na naupo sa tabi ko, hindi ko rin siya makita. Napabuntong-hininga ako. Mas mabuti na rin itong mag-isa ako, o kung may lalapit man edi kakausapin. Basta huwag lang si Damien o kahit na sinong may koneksyon kay Calix. Hinanap ko sa paligid ang lalaking pinakainiiwasan kong makaharap. Nakita ko siyang nakaupo sa kabilang mesa, mga tatlong mesa pa ang pagitan mula sakin. Kasama niya roon si Mayor Consolacion. Napakunot ang noo ko dahil sa biglang naisip. Nagtatawanan ang mga ito at wala na silang kasamang iba pang bisita roon bukod sa mga guwardiya ni Calix na nakapalibot sa kanila. Naalis lamang ang tingin ko roon nang may maglapag ng pinggang puno ng pagkain sa harapan ko. Nang iangat ko ang tingin ay nakita ko si Damien na may hawak-hawak na isa pang pinggan. "Ano ‘to?" "Pagkain?" I glared at him. "Ang ibig kong sabihin, bakit mo ako binibigyan ng ganito?" Nilapag din nito sa mesa ang kanya at hinila ang katabi kong upuan para maupo. I watched him while raising my eyebrow. "Naisip ko lang na baka nagugutom ka na. Hindi ko alam kung anong gusto mong kainin kaya iba’t iba ang kinuha ko." Sinulyapan ko muna ang plato bago muling ibinalik sa kanya ang tingin. Mas lalo akong nagutom nang makita at maamoy ito. Gusto ko mang tanggihan para lang mailayo siya sakin pero talagang nagugutom na ako. Sa huli ay tinanggap ko na lang iyon at nagpasalamat sa kanya. He smiled in return. "Baka isipin mong masyado na akong pakialamero dahil sa pagtatanong ng tungkol doon kanina. Nagtataka lang kasi ako, iyon din ang unang pagpapakilala mo sakin at ganoon din ang ipinakilala mo kay Calix pero hindi mo naman itinanggi kay mommy ang totoo mong pangalan." "That's because your mom already knew who I am. No need of faking it." I continued eating without even glancing at him. "I already knew too that it was you, Hyacinth. Nakalimutan ko lang kasi nakatakip ang kalahati ng mukha mo kaya hindi kita nakilala agad." Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa pagkain. Hindi na rin ito nagsalita ulit. I saw him stopped eating from my peripheral vision and a silent hiss followed. Napatingin ako sa kanya dahil doon, he was looking at the table where his dad and Calix are seated. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanila at napansin ko rin ang paghigpit ng hawak niya sa kubyertos. Parang ganitong-ganito rin ang inasta niya kanina. "Ano 'yan? Nagseselos ka na may kausap at katawanang iba ang ama mo?" He looked away and lost hold of his spoon and fork. Sumandal ito sa kanyang upuan. "Guess I’m right," muli kong pagsasalita. Uminom ako sa baso ng tubig bago humarap ng upo sa kanya. "Kaya siguro hinila mo ako paalis kanina nang dumating na si Mayor kasi ayaw mong makitang magkausap ang dalawa. Tama ba ako, Damien?" Hindi ito sumagot, hindi ko rin makita ang ekspresyong suot niya. "What are you, a five-year-old? Getting jealous of anyone getting close to your dad—" "Hyacinth!" Nagulantang ako sa biglang pagsigaw nito ng pangalan ko. Napunta samin ang atensyon ng mga kalapit na mesa. I immediately turned to Calix, I was relieved when I didn't see him looking at us. Binalingan kong muli ng tingin si Damien at inapakan ito sa paa. He groaned in pain. "Don't yell my name if you don't want to get your face smashed!" "Aw." Kinapa-kapa nito ang paa niya sa ilalim. "Huwag mo kasi akong pinipikon. Fine, I’m jealous of him. Oh, ano naman ngayon? Is that something to make fun of? Nakakatawa ba iyon para sa'yo?" Hindi ko na sinundan ng pang-aasar ito. Napatitig na lang ako sa mukha niya habang sinasambit niya ang mga katagang iyon. Bukod sa naiinis na ekspresyon nito sa mukha, kita ko rin ang nasasaktan nitong mga mata. He was as if trying to look away from me to hide that pain but at the same time he can't dahil naghihintay ito ng kasagutan sakin. "I’m sorry," sabi ko. He hissed. "If you're jealous of him, why not snatch your dad away from him? Madali lang 'yon dahil ikaw ang totoong anak." He leaned his back on his chair from what I said, he chuckled and afterwards gave me again his full attention. "What am I? A five-year-old? Na aagawin ang ama at aawayin ang sinumang lalapit sa kanya?" Umiling-iling ito. "Kung sana ganoon lang kasimple ang sinasabi mo, matagal ko nang ginawa. Pero kasi napakahirap makipagkompetensiya sa atensyon ng ama lalong-lalo na kapag ang kalaban mo ay iyong taong malapit na sa kaperpektuhan, iyong taong parang walang kapintasan sa sarili, malayo na ang narating, maraming maipagmamalaki at malaki na ang pangalan. Mahirap makipagkompetensiya sa taong alam mong sa umpisa pa lang matatalo ka na." "Si Calix?" "Ayun. Nakuha mo rin." Bumunghalit ito sa tawa ngunit alam ko namang peke lang iyon kaya hinampas ko siya sa braso para patigilin. "Para kang tanga." Tumayo ako at tinapik ito sa balikat. "Tara. Inom tayo." I saw his eyes suddenly filled in amusement. "Woah! Angas mo na, ah. Ganiyan ka ba kapag bagong kain?" Hindi ko na ito sinagot at dumiretso na ng lakad papunta sa counter na nagseserve ng mga nakakalasing na inumin. Kinakailangan pa naming daanan ang mesa nina Calix papunta roon, gusto ko mang iwasan ngunit wala nang iba pang daan bukod pa roon. Sumabay ako kay Damien noong dumaan na kami sa tabi nila. Napakunot ako ng noo nang makitang hindi man lang sila binalingan ng pansin ni Damien o kahit man lang ang balingan kami ng tingin ng ama niya. Calix saw us, but Mayor Consolacion didn't even turn in our direction as if he meant to do it. "See? Basta andiyan 'yang Calix, nawawala si Damien." Nilagok nito ang unang baso niya ng alak. Nakaupo na ako ngayon sa isang mataas na silya habang siya nama'y nakatayo lang. Lumilitaw ang kapaitan sa mukha niya dahil sa sinabi. "Ano bang pinagkakaabalahan mo sa buhay?" I asked. Hindi niya sinagot ang tanong ko at tumungga lang ulit sa panibagong baso. "Hindi na importante 'yon. I’m just someone that he would never be proud of." Sunod-sunod ang pag-inom nito sa maliliit na mga baso. Nakakarami na ito ngunit ako ay hindi pa rin ginagalaw ang unang baso. I just watched him become miserable because of the influence of alcohol. Parang bigla itong nagkalakas loob na magkwento at sabihin ang nararamdaman niya dahil sa alak. Hinayaan ko lang siya at pinakinggan ang lahat ng sinasabi niya. "It's not my fault that I can't make our name bigger, it's his. Kasalanan niya 'yon at Consolacion ang dinadala niyang apelyido at hindi ang mas malaking pangalan na kagaya ng De Varga. And now he's pressuring me to become someone as big as that Calix? Who the f*ck wants to be like him? I don't want to become someone living in someone's expectations, living the dreams of others, living alone and having no one by his side when he needs it." Natigilan ako sa huling sinabi niya. "Anong sinabi mo?" Umiwas ito ng tingin sakin at nilagok ang isa pang baso. Pagkatapos ay humarap ito sa direksyon nina Calix at ni Mayor. "I just want to be free. To be happy of my own, to be someone that I could be proud of, and to live the life that won't make me regret in the end." Tinuro-turo nito si Calix, mukhang tuluyan na itong nilamon ng impluwensiya ng alak dahil sa inaakto niya. "Iyang De Varga na 'yan?" he scoffed. "Ayokong maging kagaya niyan. Kahit mawala na sakin ang buong atensyon ng ama ko at mapunta sa kanya, ayoko pa ring maging kagaya ng taong 'yan." Umiling ito at uminom sa baso niya. "Ayokong maging kawawa kagaya niya." Just as I withdrew my eyes from Damien to Calix, naabutan ko itong nakatingin na rin sa gawi namin. Unlike what my mind was telling me, na kailangan kong iiwas ang tingin sa kanya, na huwag kong samantalahin ang atensyon niya, I remained looking at him. Habang ginagawa ko iyon ay iniisip ko naman ang mga sinabi ni Damien. Hindi ako ganoong nalinawan sa mga sinabi niya but somehow, I derived some conclusion from it. Dahil sa mga sinabi niya, hindi ko alam kung bakit bigla ko na lamang naalala ang mukha ni Calix kahapon. Those really sad and mourning eyes. Ayokong isiping tama ang mga iniisip ko dahil alam kong kapag ginawa ko iyon, baka bigla na lang akong umurong sa mga pinaplano ko. Calix is my last shot. Kung hindi sya, hindi ko na alam kung sino pa. Kaya kung ano man ang tumatakbo sa isip ko, dapat na panatilihin ko lang iyon sa isip. Ayokong umabot sa punto na maimpluwensiyahan nito ang puso ko at baka hayaan ko na lang na ito na ang magdikta sa mga gagawin ko. I have no room to be soft for him. Kung nasa ibang pagkakataon lang, kung nasa ibang sitwasyon lang baka pwede ko pang gawin iyon, baka pwede ko pang kilalanin si Calix bilang siya, baka pwede ko pang huwag na lang pansinin ang nakaraan ng pamilya niya at kung sino ang ama niya. But right now, we are in a kind of situation where I have to use him, where I have to be a bad guy. In deciding I have to be wise, and being smart sometimes means losing compassion. Because most of the time, our compassion is what makes us do things we didn't even want. Being wise and being compassionate are two different things. Being wise is simply letting your mind decide while being compassionate is giving the will to your emotions to overrule your rationality. And in choosing the latter is what causes most of us to fail and regret in the end. And this time, I need to be wise. "Damien." Hindi ko pa rin inaalis ang tingin kay Calix kahit na inalis na nito ang tingin sakin. Tumayo na ito na mukhang aalis na ngunit si Mayor ay nanatili pang nakaupo roon. "Anong relasyon mo kay Calix? Paano mo nasasabi ang lahat ng 'yan? Bakit mo ito nasasabi ngayon?" Sinundan ko ng tingin si Calix na papalabas na habang nakasunod naman sa likuran niya ang kanyang mga gwardiya. Mayamaya lang ay nakita kong tumayo na rin si Mayor, noong malapit na ito sa pinto palabas ay may mga lalaking nakaitim na sumunod sa kanya na hula ko ay mga gwardiya niya rin. "Matalik na magkaibigan... noon." Right after hearing his answer, I rose from my seat. Gustuhin ko mang marinig pa ang mga kwento niya ay kailangan ko nang umalis, kailangan kong sundan si Calix. Narinig ko ang pagpigil nito sakin, sinigaw nito ang totoo kong pangalan pero wala na akong pakialam dahil wala naman na roon ang taong pinaglilihiman ko nito. The elevators were all empty when I got outside the event area, ibig sabihin nakarating na sila sa palapag na pinuntahan nila. Duda ko ring gumamit sila ng hagdan. Hindi ko na ngayon alam kung saan sila pumunta o kung nasa aling palapag sila naroroon. Lumapit ako sa isang attendant na napadaan. "Excuse me miss, which floor is the control room?" Kumunot ang noo nito, siguro dahil sa pagkabalisa ng tono ko. "Good evening, ma'am. Maaari ko po bang malaman kung para saan ito?" "I lost my car key, and I want to see from your camera footage the places that I might have dropped it." Ngumiti ito. "It's on the 5th floor, Ma'am. Would you like me to accompany you—" "No, no. I’m fine. Thank you," sabi ko at mabilis nang pumunta sa elevator. Hindi ko alam kung bakit ko naisip na may gagawing masama ang dalawa. Sumagi lang ito sa isipan ko dahil pareho silang umalis ng party kasama ang kaniya-kaniyang mga gwardiya, nakakapagduda lang hindi ba? Baka lang kasi tama ang iniisip ko kanina pa, na may sabwatang nangyayari sa pagitan nila. Kaya para masagot ang mga katanungan ko sa isipan, kailangang makita ito mismo ng dalawang mata ko. Bumungad sakin ang isang pasilyong may mga nakahilerang mga pinto nang magbukas ang elevator. Sa kanan ko naman ay may isa pang pasilyo, alam kong papunta na iyon sa control room dahil may signage na nakalagay. Nakakapagtaka lang ang kawalan ng tao at katahimikan sa buong palapag. Dire-diretso lang ako ng lakad patungo sa isang nakabukas na pinto sa dulo ng pasilyo. Wala akong naririnig na ingay mula roon. Umalis kaya ang mga nagbabantay? Akmang papasok na ako nang bumungad sakin ang dalawang malalapad na mga likod ng mga armadong lalaking nasa loob. Napahawak ako sa bibig habang pilit na pinipigilang makagawa ng ingay, nagtago ako sa pader na pumapagitna sa amin at napahawak na lang sa dibdib para pigilan ang mabilis nitong pag-aalsa. Kung may masama nga silang gagawin, ang pinaka importanteng bagay na dapat nilang siguraduhin at linisin ay ang mga maiiwang ebidensiya. Iyon ang naisip ko kaya ako nandito, pero hindi ko naman talaga aakalaing magiging tama nga ako. Pwede kong piliin ang daan pabalik para iligtas ang buhay ko at kalimutan ang bagay na gusto kong gawin sa gabing ito. Pero hindi ko alam kung bakit mas nangingibabaw ang kagustuhan kong ituloy ang plano, ang kunin ang ebidensiyang ito para gamitin laban kay Calix. That I think after this, having this evidence is already enough, na kapag nakuha ko ito pwede na akong tumigil sa pagsunod sa kanya dahil sapat na ito para gamitin panakot sa kaniya Nilandas ng nanlalamig kong kamay ang binti ko. Hinawi ko ang laylayan ng aking damit at pinagmasdan ang nakatago rito. I’m not willing to get my hands dirty tonight, ayoko ring may magkalat na dugo rito, but I have no other choice but to use this. Kauna-unahang beses na mababawasan ko ang bala nito. I was at the dead end of the hallway. Umatras pa ako pasandal sa pader at walang ano-ano'y pinaputukan ko ang ilaw na nagpapaliwanag doon. Ang tanging liwanag na lamang na natitira ay ang nagmumula doon sa kabilang pasilyo. The control room doesn't have lights inside, tanging ang mga monitor lang sa loob ang nagpapailaw sa buong silid. Napahawak ako sa pader na sinasandalan ko. Pinigilan ko ang paghinga at hindi na rin magkandaabot-abot ang kaba at takot ko nang mga sandaling iyon. Narinig ko ang mga pagmura nila sa loob at sumunod ang paglitaw ng silweta nilang lumalabas ng silid. Mas napadiin ako sa pagkakasandal sa pader, takot na mapalingon sila sa gawi ko. "Tara na, hanapin natin. Siguradong hindi pa 'yon nakakalayo." Doon lamang ako napahinga nang maluwag nang marinig na ang pagtakbo nila paalis. Ang isa ay sumakay sa elevator at ang isa nama'y tumungo sa kabilang pasilyo. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad na pumasok sa loob. Tumambad sakin ang napakaraming monitor, napakalaki nitong hotel kaya napakarami ring camera na nakapalibot sa loob at labas. Sa dami ng mga monitor na ito, kaya rin siguro hindi na nila nakita ang pagpunta ko rito. Ang iba'y halos tingalain ko na. Hindi ako nahirapan sa paghahanap dahil naagaw agad ang atensyon ko ng monitor na kung saan may nakita akong lalaking nakasuot ng makinang na damit, nakaitim na maskara at may mga nakaitim na gwardiyang nakapalibot sa kanya. Nasa parking lot sila, nakita ko sa katabing monitor na nakasarado na ang entrance at exit ng parking lot, may mga bantay na nakatayo roon. Nang ibalik ko kay Calix ang tingin, nakita kong may iniabot na itim na briefcase ang isang gwardiya nito kay Mayor. Sa loob nito ay nakapalagay ang isang baril na halos kuminang pa dahil sa pagtama ng ilaw. Mabilis kong binuksan ang clutch bag para kunin ang flash drive. May alam naman ako kahit papaano kung paano ita-transfer ang video footage na iyon sa flash drive dahil meron din kaming CCTV cameras sa bahay. But when I’m about to plug it in, I felt a sudden harsh pull of my hair from behind. Napasigaw ako non dahil sa gulat at sakit, pakiramdam ko matatanggal pati ang anit ko sa higpit ng hawak niya rito. "F*ck! Bitawan mo ako!" "Anong ginagawa mo dito?! Ha?!" Hinatak niya ako patayo at pinaharap sa mukha niya. I was horrified by how scary his face looks, lalo na nang maramdaman ko ang baril nitong nakatutok na sa aking bandang tyan. Pinasadahan ako nito ng tingin mula sa balikat papuntang hita at dinilaan niya ang ibabang labi. Nagpumiglas ako at sinubukang tanggalin ang kamay niya mula sa pagkakasabunot sa buhok ko pero wala iyong patama sa lakas niya. "Alam mo, madali naman akong kausap eh. Pwedeng hindi kita isumbong... kapalit ng isang kondisyon." Ngumisi ito. Hindi ko na kailangan pang itanong o marinig mismo sa bibig niya ang kapalit na tinutukoy niya. Base sa tingin pa lang nito sakin, alam ko na kung anong gusto niya. At hindi ako makakapayag na makuha niya iyon. Kung kinakailangang isa samin ang masaktan, nakahanda ako. Tinanggal ko mula sa buhok ang hairclip na nakakabit dito. Matulis ang dulo nito at gawa sa bakal. Frightened was he when he saw it, aware of what I am planning to do. Tinangka niyang agawin iyon ngunit huli na't naisaksak ko na iyon sa kamay niyang nakasabunot sakin. Ayokong gawin ito, hindi ko gawain ito. Pero kung ito na lang ang paraan para mailigtas ko ang buhay ko, hindi na ako magdadalawang-isip pa o makikipagtalo sa konsensiya ko. Napasigaw ito at nabitawan ako, kinuha ko ang pagkakataong iyon upang pukpokin ang batok nito dahilan para mawalan siya ng malay. Mabilis ko nang iniwan ang walang malay niyang katawan at pinagpatuloy ang ginagawa. Habang hinihintay na matapos ang pagkopya nito sa flash drive ay panay naman ang padyak ng isa kong paa. Kinakabahan ako, baka may dumating ulit, baka sa pagkakataong ito marami na sila at hindi na ako makatakas, o baka ang susunod na papasok mula sa pintong iyan ay si Calix na. Natatakot ako. Mabilis ko nang niligpit ang clutch bag ko matapos iyon, siniguradong walang may nalaglag na kahit ano mula roon na pwede nilang makita, walang maiiwang ebidensiya na makakapagturo sakin. Isinukbit ko nang muli ang baril sa hostler at itinago sa aking hita. I walked through the corridors calmly as if nothing happened, nakita kong may iilan nang tao sa kabilang pasilyo. Nakita ko rin ang mga nagkalat na mga nakaitim na lalaking tila may hinahanap. Umiwas ako ng tingin at sumakay sa elevator. "Sa elevator!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay pagmamay-ari ng lalaki kanina sa control room. Agad na napunta sakin ang mga mata ng mga lalaking nakaitim. I pushed the button multiple times going to the ground floor. Hindi ako pwede sa basement dahil baka nandoon pa sina Calix. Hinahangos ako nang tuluyan nang magsara ang pinto at napasandal sa salaming pader. I could feel my heart going crazy like it was about to get out of my ribcage. Pinunasan ko ang mumunting pawis sa gilid ng mukha ko at ibabaw ng labi. Nang magbukas ang elevator ay dali-dali akong lumabas. Some of the workers in the hotel looked at me, nagtataka sa pagiging balisa at lakad-takbo kong ginagawa. These high-heels are making it harder for me to escape. Nahihirapan ako sa pagtakbo dahil baka matisod ako sa tangkad nito. I heard hurried footsteps following me from behind. Nang lingunin ko ay nakita ko ang mga lalaking humahabol sakin kanina. I walked faster until I decided to just run. Wala na akong pakialam kung madapa ako, kailangan kong bilisan bago pa nila ako maabutan. Nasa labas na ako ng hotel nang maalala kong nasa parking lot pa ang kotse ko. Kung magtatawag pa ako ng taxi, tiyak maaabutan na nila ako. Bumaba ako sa malapad na hagdan, wala na akong ibang choice kundi ang takbuhin ang distansiya mula rito papunta sa main road. Kung kinakailangang mag jeep ako, magji-jeep ako kahit pa na ganito ang ayos ko. I was about to step off the gutter to cross the road to get to the other side when a black SUV stopped in front of me. Nanigas ako sa kinatatayuan, natatakot kung sino ang nasa loob ng sasakyang ito. The window in the front seat crawled down and a man in his blue suit peered out. "Bilis! Sakay!" "Good Jesus! Damien!" I exclaimed before opening the door and slamming it afterwards. Nakita ko ang mga lalaking humahabol sakin na napatigil, lumilinga sa paligid na tila hinahanap pa rin ako. Napabuntong-hininga ako sa upuan at kasabay nito ay ang pagtanggal ko ng aking maskara. Nagulat ako nang bigla na lang itong napapreno. Kamuntik na akong mauntog sa dashboard dahil hindi pa ako nakakapagsuot ng seatbelt. I looked at him in disbelief. "What the heck was that for?!" Nakatulala ito sakin na tila hindi makapaniwalang nakikita niya ako. Ngunit kalauna'y nawala ang pagkakainis sa mukha ko nang lumampas ang tingin ko mula sa kanya papunta sa bintanang ngayo'y natatalikuran na niya. Doon ko lang napansing sa isang park kami tumigil, wala masyadong tao rito dahil gabi na. Ngunit hindi ang parkeng iyon ang umagaw ng pansin ko kundi ang lalaking mag-isang nakaupo sa isang bench. He was looking at his phone, panay swipe lang ang ginagawa nito, at kahit sa malayo alam kong mga larawan ng isang babae ang tinitingnan niya roon. Mas lalo akong napatitig sa kanya, that's when the sadness in his eyes became clearer to me. Sobrang lungkot nito na kahit ilang metro ang layo ko, natatanaw ko pa rin iyon. And then his face from yesterday flashed in my mind, ganitong-ganito rin ang mukha niya. Naalala ko bigla ang mga sinabi ni Damien sakin kanina. Parang biglang naging mas malinaw sakin ang sinabi niyang ayaw niyang maging kagaya ni Calix. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang sumikip ang dibdib ko, parang bumigat bigla ang pakiramdam ko habang pinagmamasdan ang mukha nito. I was taken aback when a smile suddenly formed on his lips. Nakakapanggulat hindi dahil sa hindi ko inaasahan iyon kundi dahil ibang ngiti iyon kumpara sa mga ngiting pinapakita niya sa mga tao. That smile looks so in love, it looks so happy, it looks like it was living. Doon ko lang din napansin ang isang pasa sa ibabaw na parte ng kanyang pisngi. Kaya ba ito nagsuot ng maskara kahit pa kaninang nakaalis na sila sa party at tanging si Mayor na lang ang kaharap niya dahil tinatago niya ito? At sino naman kaya ang may lakas at tapang para gawin ito sa sang De Varga? Sa isang Calix? I couldn’t help but ask myself. "Damn, you're really a grown woman now. I can't believe you've turned to be this beautiful." I heard Damien murmured but I wasn't paying enough attention to be able to hear it. It was then when I decided to look away, scared that I might forget what I am here for and what all of this is all about. Baka kapag tinitigan ko pa siya lalo, makalimutan ko na lang bigla na isa siyang De Varga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD