Kakatapos lang maghapunan at naisipan muna namin ni Deon na maglakad-lakad sa labas. Maganda ang gabing iyon para mamasyal, puno ang langit ng mga bituin at hindi ganoong maliwanag ang buwan kung kaya't napakaganda tingnan ng mga iyon, malamig din ang hangin at malayo sa mga ingay ng sasakyan mula sa kalsada. "Ano, tuwang-tuwa ka naman dyan? Miss na miss ka ni mama eh." Kinurot ko ito sa tagiliran. Matagal nang gusto ni mama ang magkaanak ng lalaki kaya gustong-gusto rin nito si Deon at itinuturing na parang anak. Wala namang napakaespesyal sa hapunan namin. Nagkuwentuhan lang tungkol sa trabaho, sa mga ganap sa buhay at kung anu-anong mga namiss na pag-usapan. Deon's parents are both deceased. Normal nalang ang makasabay namin siya at hindi na ring tinatratong bisita kundi pamilya. "In