Vincent's PoV Sinunod ko ang pakiusap sa akin ni King na layuan ko si Max. Gusto kong maging masaya si King sa babaeng mahal niya. Tinapos ko na rin ang relasyon namin ni Yen. Hindi ako masaya... pakiramdam ko may kulang. Simula noong iniwasan ko si Max dahil nalaman kong mahal niya ako ay hindi na siya nawala sa isip ko. Palagi kong hinahanap si Max ngunit iniiwasan din naman niya ako. Masaya si Max ngayon kay King. Siguro kung ako ngayon ang boyfriend ni Max, masaya rin ako katulad ni King. Mabuting tao si Max, simple at masayang kasama. Totoo si Max sa nararamdaman niya at kaya niyang maging totoo sa isang tao. Pinapanuod ko sina King at Max na naghahabulan sa may gymnasium. May hawak na bola si King at pilit naman na inaagaw ni Max. "Ang sweet nila no," sabi ni Justine sa akin.