King's PoV Daig ko pa ang nanalo sa jackpot prize dahil sa tuwang nararamdaman ko. Weird lang dahil umabot pa sa mahal mo versus mahal ako ang labanan bago naging kami ni Maxienian. Maaga akong nagising dahil excited akong pumasok para makita si Max. Ganito siguro ang feeling ng may totoong girlfriend. Hindi p'wedeng malaman ni Max na siya ang unang babae sa buhay ko. Nakaligo na ako at nakasuot na ng uniform bago ako bumaba ng hagdan. Nagkasabay pa kami ni Daddy sa pagbaba ng hagdan. "Good morning, dad." Nagulat siya pagbati ko. Ilang buwan ko na rin kasi siyang tinatawag na sir dahil naiinis ako sa kaniya. Naging professional na lang ako noong foundation day dahil pinuri ko siya bilang daddy ko. "Ano naman ang gimik mo ngayon, King?" "Ayaw po ba ninyo na maging mabuti akong anak?