Max's PoV TATLONG taon ang mabilis na lumipas. Ito ako ngayon ay isang estudyante pa rin ng Empress University. Nanatili akong scholar ng mga Del Rio kapalit ng taong mahal ko. Hindi ko pa rin nakakalimutan si King kahit na tatlong taon na ang nakakalipas. Palagi siyang may poster dito sa loob ng campus. Isa na siyang ganap na entrepreneur at kilalang batang CEO ng Del Rio Corporation sa Amerika. Hindi lang guwapo si King noon kun'di mas lalo itong gumuwapo at nag-mature. Hindi ko rin alam kung kilala pa ba niya ako o kung kilala lang siguro niya ako dahil sa ginawa ko sa kaniya noon. Isang bagay lang ang natutunan ko sa nakalipas na tatlong taon. Hindi masamang piliin ang pangarap lalo na kung wala kang pamimilian. Kumapit kami sa patalim ni Nanay para unti-unti kong maabot ang mga p