Max's PoV Isang oras bago ang graduation ceremony ay nakaupo ako sa may pathway. Nakatingin ako sa mga kapwa ko students na abala sa pagkukuha ng litrato kasama ang kani-kanilang mga magulang. Hinihintay ko naman si Nanay na dumating dahil inuna pa niyang asikasuhin ang handa ko. Ngayong araw din na ito ay birthday ko at may simpleng salo-salo. Hindi ko inakala na matatapos ko ang highschool dito sa Empress High. Isang pangarap lang sa amin ito ni Nanay. NATAPOS ang graduation namin ngayong gabi ay hindi ko na nakita pa ang anino ni King pati na rin ang mga kaibigan niya. Umuwi ako sa bahay na pilit ang ngiti sa aking mga labi. Hindi ko rin magawang maging masaya ng lubusan. Napansin ako ni Guia na tahimik lang habang kumakain ng pansit. Umarkela naman nt videoke ang Lola Nena ni Guia