"Tell me something about yourself, Max. If you don't mind?" tanong ni Tita Yna sa akin habang magkaharap kaming dalawa sa sofa. "Gusto kitang makilala nang lubusan." Nasa harapan namin ang dalawang basong juice at sandwiches. Nakatitig sa akin si Tita Yna at medyo kinakabahan ako. "Ba-Bakit po, Tita Yna?" "Well..." nag-cross fingers ito. "Nakita na kasi kita minsan sa magazine... and you and..." Tumigil ito sa pagsasalita at tumingin sa mga mata ko. "Ah... tungkol po siguro sa relasyon namin ni King. At sa issue na kinakaharap namin," nahihiyang sagot ko sa kanya. "Yeah. May problema ba sa relationship ninyong dalawa? I mean... bakit nagkaroon ng issue? Pasensiya na kung matanong ako ha? Mukha kasing mabait ka at ayoko na malungkot ka dahil hindi mo deserve." "Salamat po sa concern n