MARIELA ROSE LOPEZ __ "Aalis ka? It's too early," sambit ko habang nakaupo sa single couch na nasa silid at pinapanuod itong magbihis pagkatapos lumabas ng bathroom. Hindi pa rin ito nagsasalita. Nagpatuloy naman ako sa pagbuklat ng magazine habang simple pa rin siyang sinusundan ng tingin. Tiningnan ko kung paano niya isuot ang itim niyang pantalon ganoon din ang itim na plain shirt na napili niya. Bumaling din ako sa magazine nang gumalaw ito sa ibang direksyon para isuot ang kulay puti niyang sapatos. Hindi ito nag-abalang humarap sa salamin. Hinagod niya lang ng mga daliri niya ang buhok niya. Winisikan niya ng pabango ang sarili niya bago niya hablutin ang leather jacket niya mula sa loob ng closet. Akmang lalabas pero muli akong nagsalita. "Won't you kiss me goodbye?" I asked