INIKO KHARIQUE ROSS __ Galing na ako sa kusina at nagtungo na sa silid pero hindi ko pa rin ito nakikita roon. I could smell her scent all over the room. Nagpunta ako sa balcony para tingnan ang working station niya. I only saw Rocco there. Bumaba pa rin ako para magpunta roon. Ngumisi ito nang makita ako at mahinang tumawa-tawa. "Anong problema mo?" malamig na tanong ko. Lalo pa itong tumawa at nagbigay ng papel sa akin mula sa likuran niya. "Unggoy ka pala eh." Pinagmasdan ko ang mukha ko roon. Nagtangis agad ang bagang ko. Bumungingis ulit si Rocco. "At least, maganda pa rin ang pagkaka-drawing. Mukhang may halo lang na sama ng loob." I knew I was able to upset her. That should be the goal. "May pinapagawa pa ba siya sa'yo?" "Wala siyang inutos ngayong araw bukod sa linisin '