INIKO KHARIQUE ROSS __ "Huwag mo nang ubusin ang pasensya ko," malamig na sambit ko habang hawak ang kuhelyo ng isa sa mga tauhan ni Eloy. "Nawawala ang wallet ko sa sasakyan. Sinong kumuha, huh?" "M-maniwala ka sa akin... hindi ko alam." "Nasaan ang amo mo?" "W-wala talaga akong alam... umalis ako agad noong gabing 'yon." Marahas ko siyang pinatamaan ng suntok. They were really testing my patience. "Sabihin mo sa amo mo, kapag nahanap ko siya, tagiliran naman niya ang may butas." Mahigpit ang hawak ko sa manibela habang nagmamaneho. Sinusubukan talaga ng mga hayop na 'yon ang pasensya ko. Dumiretso ako sa club. Nakita ko agad si Keith na papalapit sa direksyon ko. "Babe, what happened to you?" Dinala nito ang kamay sa balikat ko. "I've been calling you pero hindi mo sinasagot an