MARIELA ROSE LOPEZ __ Si Leigh ang tumawag kay Noah para sunduin kami sa lugar kung saan kami ibababa nina Ms. Lucy. Nandoon na ito bago pa kami dumating. "I'll drive." "Leigh, let me drive," I offered. "Kung ikaw ang magmamaneho, bukas pa tayo makakauwi." Humakbang ito papunta s driver's seat. I was worried about him pero hindi ko na kinontra pa. Pinagbuksan ako ng pinto ni Noah. Bahagya naman akong ngumiti sa kaniya at nagpasalamat. "A-ayos lang po kayo, Ms. Lopez?" "I'm okay now, Noah." Pumasok na rin ako sa loob. Sumunod naman ito sa backseat. Hindi agad nagmaneho si Leigh dahil tiningnan niya ito mula sa salamin. "Anong ginagawa mo riyan?" "M-Mr. Chavez?" "Baba." Napalunok ito. I was confused kung bakit niya pa ito pinapababa. "Leigh... hindi mo pa ba natin isasabay si