Chapter 5

2406 Words
MARIELA ROSE LOPEZ __ "Magandang araw po." Ngumiti ako rito. "Magandang araw din." Hindi nito inangat agad ang ulo sa pagkakayuko. "Okay ka lang?" tanong ko. Unti-unti rin itong nag-angat ng tingin na namumula ang mukha. "Okay lang po... hindi ko lang po inaasahan na ako ang mapipili n'yo bilang personal assistant n'yo. I'm a huge fan of your artworks, Ms. Lopez." Lalo akong napangiti. "Huwag mo na akong i-po, magkaedad lang tayo." "Susubukan ko pong mag-adjust." "Please be comfortable." Sinadya kong lalaki ang kuhanin bilang personal assistant ko. Baka hindi ko na kayanin kung magkakaroon na naman ng relasyon si Leigh sa bagong personal assistant ko kung magiging babae ito. Napatingin ako sa pintuan nang marinig kong tumunog iyon. Umapaw agad sa saya ang dibdib ko nang makita ko si Leigh. Binitiwan ko ang hawak kong lapis at tumayo mula sa silya. Lumapit ito sa direksyon namin nang hindi tinatanggal ang tingin sa bagong assistant ko. Lumapit ako sa kaniya para halikan siya sa pisngi. "You're early..." "Sino 'yan?" malamig na tanong nito. "Ah, he's Rocco Borja, he's my new personal assistant. Rocco, this is Leigh, my husband." Naglahad ito ng kamay sa kaniya. "Magandang gabi po, Mr. Chavez. It's nice to meet you." Hindi pinansin ni Leigh ang kamay nito. Tumalikod din siya agad at lumabas. "Rocco, you can go home now. I'll just see you tomorrow." Tumango ito sa akin. Mabilis ko namang sinundan si Leigh. Sinadya kong kumapit sa braso nito na may ngiti sa mga labi ko. "I was not expecting that you'd come home early. I haven't cooked yet, but I will make your favorite chicken marsala." I couldn't help but feel so excited dahil minsan lang ito umuwi nang hindi pa lumalagpas ng alas diyes. Nakahawak ako sa braso nito hanggang sa makarating kami sa loob ng bahay from my working station. Tila wala naman ito sa mood at bahagyang magkasalubong ang mga kilay. Nagsimula agad akong magluto habang nasa silid ito at naliligo. I was a little bit rattled dahil gusto kong matapos ako sa pagluluto kapag tapos na rin itong maligo. Ilang beses kong pinunasan ang salamin kong nanlalabo hanggang sa makapaghain na ako ng mga pinggan sa mesa. Usually, matagal ito sa banyo kaya naman nakapaghain pa ako. Napangiti ako nang makita ko ito sa kusina. Pinaghila ko siya ng silya at umupo ako sa gilid niya. Ako na ang naglagay ng pagkain sa pinggan niya. Minsan ko lang din siyang makasabay sa hapunan dahil parati siyang hating-gabi na kung umuwi at nakainom pa. Marahan kong hinaplos ang pisngi niya. "Kumusta na ang mga sugat mo? Let's clean them again after you go to bed." Hindi na ako nagtanong ng mga bagay tungkol sa araw niya dahil alam kong hindi niya naman sasagutin. I just talked about my day and the arts I was currently working on kahit alam kong hindi siya interesado sa mga ganoong bagay. I really loved it sa tuwing mauubos niya ang pagkaing nilalagay ko sa pinggan niya. My mom was the best cook. Naalala ko pa kung paano niya ako turuan noon bago siya magkasakit. Nagligpit agad ako ng pinagkainan habang naging abala ito sa pag-inom ng alak. Hinugasan ko ring mabuti ang kamay ko nang matapos ako at kinuha ang first aid kit. Pumwesto ako sa upuan sa harap ng table top at sinimulang pahiran ng gamot ang sugat nito. "Leigh, may gagawin ka ba bukas?" malumanay na tanong ko. "I won't come with you to any boring places." Hindi ko mapigilang mapabusangot. "Magpapasama lang sana ako sa'yong bumili ng mga gamit sa pagpinta." "Malaki ka na. You can handle that on your own." "I know... gusto lang kitang makasama. It's okay... if you don't want to." Gusto ko lang subukan na ayain pa rin siya. Nagbabakasakali na pumayag siya. Kahit ilang minuto lang ng oras o atensyon niya, masaya na ako. "There... you can rest now." Tinabi ko ang mga ginamit ko. Hinayaan kong uminom pa ito roon at dumiretso na ako sa silid para maligo. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagsasabon nang marinig kong bumukas ang pinto ng silid. Nagmadali akong maligo dahil baka makatulog ito agad. I still wanted to talk to him kahit sandali lang. Inayos ko ang sarili ko bago ako umupo sa higaan naming dalawa. "Leigh... I have a gift for you." Nakangiting nilabas ko ang leather wallet sa drawer at inabot ko iyon sa kaniya. Kinuha niya iyon mula sa akin. Binuksan niya ang loob at sandali niyang pinagmasdan ang litrato naming dalawa sa isang gilid na kuha sa studio. Nasa akin ang mga copies at mukhang hindi siya interesadong humingi kaya naglagay na ako sa wallet niya. Alam kong titingnan niya kung may laman iyon. "Naglagay ako ng twenty thousand. Just for emergencies..." Sinara niya rin iyon at nilagay sa gilid ng mesa. Pinikit na nito ang mga mata. "Matutulog ka na? Can we still talk for a while?" "Ayokong makipag-usap sa'yo. I'm tired of listening to all this art stuff. Aside from that, you're so weird." Pakiramdam ko nasasanay na rin ako sa kung paano ito magsalita pero madalas ay hindi ko pa rin mapigilang masaktan. "You rarely come home early. Gusto ko lang makausap ka..." mahinang sambit ko at humiga na rin sa tabi niya. Sinadya kong umunan sa dibdib niya at inangat ang tingin ko. "Can you kiss me?" He sighed. "Puwede ba? Tumigil ka nga. Kaya ayokong umuuwi ng maaga. Sinisira mo ang gabi ko." I frowned pero inabot ko pa rin ang mga labi niya. "Good night... I love you." I smiled from ear to ear at muling hinilig ang ulo ko sa malapad na dibdib niya. Pakiramdam ko ay sumabay ang kabog ng dibdib ko sa t***k ng dibdib nito na naririnig ko sa tainga ko. Everything about him was really a big deal to me. Hindi ko alam... kung bakit ganoon ko siya kagusto. I couldn't deny his s*x appeal. It was too strong that it was hard to just ignore him. Naalala ko ang unang araw na nakita ko siya at nakilala... Umalingawngaw ang malakas na tunog ng kulog sa kalangitan habang patuloy ako sa pagtakbo sa malakas na buhos ng ulan, bitbit ang isang bag, gamit sa pagpinta, at ang pinaka-iingatan kong canvas na nakabalot sa hinubad kong blazer. Plano kong magtungo sa waiting shed pero sa dami kong dala, hindi maiwasang mabitiwan ko ang mga iyon. Mabilis akong bumaba habang pinupulot ang mga iyon gamit ang isang kamay ko at habang binabasa pa rin ako ng malakas na ulan. Inaninag ko lang ang mga iyon dahil basa na rin ng tubig ang salamin ko at hindi ko na makita nang maayos ang paligid ko. Kukuhanin ko na sana ang paint brush pero sandali akong napatigil nang may kamay ang kumuha roon. Hindi ko ito nakita agad dahil tumayo rin siya. Hindi ko nakita ang mukha niya pero naaninag ko ang pigura niya. Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin at ang pagtalukbong niya ng jacket niya sa ulunan ko. I was still confused pero tumakbo ako kasabay niya papunta sa waiting shed. Humugot agad ako ng malalim na hininga nang makasilong ako at binaba ko sandali ang mga bitbit ko sa bench. Kinuha ko ang salamin ko para punasan pero basa lahat sa akin. Muli akong napatigil nang marahan nitong kuhanin ang salamin ko. Madilim sa paligid at tumama sa maraming ilaw ang mga mata ko kanina kaya nag-a-adjust pa iyon. Mas lalo akong nanigas nang maramdaman kong isuot niya sa akin ang salamin ko. He was still making sure na nailagay niya iyon nang maayos nang makita ko ang mukha niya malapit sa akin. Sunod-sunod akong napalunok dahil... hindi ko inaasahang... napaka-guwapo nito. Hindi ko maintindihan pero nakaramdam agad ako ng kaba sa dibdib ko habang nakatingin sa kulay lupang mga mata nito. Bumaba sa matangos niyang ilong hanggang sa manuyot ang lalamunan ko nang makita ko ang mapupulang mga labi nito na mamamasa-masa pa marahil sa tubig ulan. "Ayos ka lang?" Muli kong binalik ang tingin sa kaniya na may mas malakas na kabog sa dibdib. His voice... sounded warm and cold. I wanted to speak pero tango lang ang naibigay ko sa kaniya at nag-iwas na ako ng tingin para subukang itanong sa sarili ko kung bakit ganoon na lang ang nararamdaman ko. I knew I shouldn't be acting like that. Kinailangan ko pang kumuha ng lakas ng loob bago siya muling lingunin. Nakatingin ito sa ulan habang nakapamulsa. He was wearing all black, and he was tall... I guess he was a six-footer. I was still amused sa side view nito. Lalo kong nakita ang matangos na ilong niya. I also noticed the two small earrings on his ear. He looked like a gangster... sa mga movie na napapanuod ko. I could feel and sense his strong personality. Bumaling ito sa akin. Nanigas na naman ang buong katawan ko at tila ba natataranta ang buong pagkatao ko. Hindi ko alam kung mag-iiwas pa ako o hindi tutal ay nahuli niya na akong nakatingin sa kaniya. "T-thank you..." Tumingin lang ito sa akin. It felt so awkward that I had to look away. Nagmadali akong pumara ng taxi pero may sakay ang mga iyon. Alam kong mahihirapan ako lalo at umuulan. "Ihahatid na kita." Naiwan ang kamay ko sa ere mula sa huling taxi na pinara ko. Unti-unti ko iyong binaba bago bumaling sa kaniya. "'Pag tila ng ulan," he added. Hindi rin ako nakapagsalita agad. Hindi ko pa rin alam kung bakit tila ganoon kalakas sa akin ang presensya niya na hindi ko pa rin magawang maging komportable. Alam ko namang pangit ako, but I still felt so conscious about how I look. "What's your name?" he asked. "M-Mariela... but e-everyone calls me El..." Tuluyan itong bumaling sa akin at nilahad ang kamay niya. "Kiran Leigh Chavez." Tiningnan ko ang malaking kamay nito. Mahigpit naman akong napahawak sa gilid ng palda ko. Hindi ko rin maiwasang isipin kung malinis ba ang kamay ko. I was really overthinking. He was waiting. I felt like I had no option but to shake that hand. Inangat ko rin iyon at inabot ang palad niya. Naramdaman ko ang marahang pagpiga niya roon. That made me feel so vulnerable. Para bang dumaloy pa sa ibang parte ko ang simpleng paghaplos nito. "Your hand is cold, and shaking." Mabilis ko iyong binawi mula sa kaniya. "N-nice to meet you." Pinagpag niya ang dalang jacket na ginamit niya pang sangga sa ulan kanina at lumapit sa akin para dalhin iyon sa mga balikat ko. Sinundan ko ng tingin ang kamay nito hanggang sa mag-angat ako muli ng tingin sa kaniya. It felt like I was in a movie... just experiencing to be the main character for the first time. Totoo pala... na parang bumabagal ang ikot ng mundo. But then, I knew movies don't happen in real life lalo na sa mga kagaya ko. Sigurado ako na extra lang ako. Ako na mismo ang nag-iwas. Hinintay naming tumila ang ulan. Isang dipa ang layo naming dalawa pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na tingnan ito sa gilid ng mata ko. Kinuha niya ang ilang gamit ko at dinala ako sa motorsiklo niya na nakaparada sa tabi lang ng waiting shed. Sinuot niya sa akin ang helmet niya. "W-what about you?" "I don't have an extra. You can use that." "H-hindi ba tayo mahuhuli?" "Trust me." Hindi na ako sumagot pa at tumingin lang sa mga mata niya. Ni-lock niya ang helmet at inalalayan akong sumakay sa likuran niya. Nabigla ako sa pagpapatakbo niya kaya naman biglaan din akong napahawak sa damit niya sa tagiliran. "Is this your first time?" "Y-yeah..." "Just hold tight." I was just afraid at first pero nagawa ko ring maging komportable. I found myself smiling dahil hindi ko inaasahang ma-e-enjoy ko pala iyon. Umaambon pa rin pero hindi ko nararamdaman iyon. Napatingin ako sa salamin at nakita ko ang mukha niya roon. Hindi ko maiwasang tumitig. Ni hindi ko alam kung bakit ako nagtiwala. Tinuro ko sa kaniya ang daan papunta sa bahay. Hininto niya ang motorsiklo sa harap ng main door at kinuha ang kamay ko para alalayan akong bumaba. Kinuha ko ang mga gamit ko at mabilis na nagpasalamat sa kaniya. Huminto ako sa isang gilid para hintayin siyang makaalis. Tumingin ito sa akin... at hindi pa rin ako komportable sa atensyong iyon. "El," he called which made my whole body feel cold. He just simply called my name... but what was that? "May nakalimutan ka." "H-huh?" Tiningnan ko ang mga hawak kong gamit habang papalapit ito sa akin. Diretso itong tumingin sa mga mata ko at marahang tinanggal ang lock ng suot kong helmet. Napalunok ako. Masyado akong nagmamadali at natataranta na nakalimutan kong suot ko pa rin iyon. "S-sorry..." agad paumanhin ko. Binaba ko sandali ang mga dala ko at akmang tatanggalin ang nilagay niyang jacket sa mga balikat ko pero nagsalita ito. "Keep that. "A-are you sure?" "Good night." I was again stunned. It was just that... I guess he was the first man who bid me good night. Sinundan ko ng tingin ang likod nito pabalik sa sasakyan niya. Sumakay na siya roon nang muli siyang bumaling sa akin. "I'll see you again." Umangat ang sulok ng labi nito na nagpagulo sa buong isip ko. Sinuot niya ang helmet niya and finally left. Hindi ko nakalimutan ang gabing iyon. Ilang sandali ko lang natitigan ang mukha niya pero para bang nakabisado ko lahat ng parte. Muli akong nag-angat ng tingin at bahagyang napangiti. I missed him smiling like that to me. Pinagmasdan ko ang mapupulang mga labi nito na may sugat pa dahil sa nakaraan niyang pakikipag-away. He really had that charm... hard to resist. Alam ko maraming babae ang nagkakagusto sa kaniya and I couldn't help but feel jealous all the time. Madalas wala na lang akong magawa pero hindi ko pa rin siya kayang bitiwan na lang. Despite all the changes, all that hurts me, hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko para sa kaniya. Ganoon pa rin ang kabog ng dibdib ko, 'yung excitement, 'yung saya sa tuwing makikita ko siya. Hindi pa rin nagbabago ang reaksyon ng katawan ko sa bawat paghaplos niya at sa bawat halik. Umangat ako para marahan at mabilis na halikan ang malalambot na mga labing iyon. "I love you, Leigh... still, always."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD