INIKO KHARIQUE ROSS
__
Humawak ito sa braso ko habang nag-iisip siya kung anong palabas sa sinehan ang gusto niyang panuorin. I knew she would choose the most boring one. Inabot ko ang binili niyang popcorn at inumin pagkatapos ay pumasok na rin kami sa loob.
It was a romance comedy movie that I didn't even find funny at all. Hinayaan kong kumapit siya sa braso ko at sumandal sa balikat ko dahil madilim naman sa loob. I was just busy eating popcorn. Muntik na akong makatulog doon.
Bago pa ako tuluyang makatulog, kinuha ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.
"S-saan ka pupunta?" tanong nito.
"Magsi-C.R lang ako."
Hinanap ko ang smoking area sa loob ng mall na iyon. Nanatili ako sa paghitit at pagbuga roon hanggang sa maramdaman kong mag-vibrate and cellphone ko. May text ito na tapos na ang movie at tinatanong niya kung nasaan ako.
Pinuntahan ko siya sa harap ng cinema kung saan kami pumasok kanina. Nakita kong nakatayo ito sa isang gilid. Agad nagliwanag ang mukha nito nang makita ako. Siya na mismo ang lumapit sa akin. Mabilis ding nawala ang ngiti sa mga labi nito.
"Did you smoke?"
Humugot ako ng malalim na hininga. "Umuwi na tayo."
"Kumain muna tayo... then let's buy new things for you."
Pumasok kami sa Japanese restaurant. Patuloy ito sa pagkukuwento ng huling parte ng pinanuod niya simula sa part na umalis ako.
Nag-ikot pa kami sa mall. Hinila niya ako sa isang photo studio kung saan kami nagpakuha ng mga litrato.
"Leigh, can you smile, please?"
"Don't force me."
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagngiti nito. Naramdaman ko na lang ang mabilis na paghalik niya sa pisngi ko.
Mahinang tumawa ang photographer. "Ayos, buti nakuhanan ko."
Inip na inip na ako habang hinihintay na makuha ang mga litrato. Muli itong humawak sa braso ko nang lumabas kami roon. Nagpunta naman kami sa department store para bumili ng mga gamit.
Kinuha ko ang mga damit na gusto ko without looking at the price tag, ganoon na rin sa mga sapatos.
"Leigh, I think this one will look good on you." Inangat nito sa ere ang isang pares ng leather shoes na dark red ang kulay.
"Don't even suggest. You don't have a taste in fashion."
Agad itong napabusangot at ibinalik sa lalagyan ang kinuhang sapatos. I knew she would pay for everything kaya kinuha ko na anag lahat ng gusto ko. Huminto ako sa harap ng isang mannequin na may suot na pulang dress. Pinagmasdan ko iyon at hinawakan ang tela.
"Should I buy that?" tanong nito sa akin.
"Hindi bagay sa'yo," diretsang sagot ko. "Hawakan mo nga 'to." Binagsak ko san kaniya ang mga napili kong damit. Muntik niya pang maibagsak ang mga iyon.
Umikot pa ako sa loob at pumili pa ng gamit hanggang sa mapansin ang isang magandang babae na maraming bitbit na damit.
Binalik ko ang hanger sa lalagyan at nilapitan ko ito.
"Hi, you need help?"
Nag-angat ito ng tingin. "Hi..."
"Let me help you." Inangat ko ang mga kamay ko at nakangiti namn nitong inabot sa akin ang mga damit. "Are you going to fit all these? Ihahatid na kita sa fitting room."
"Thank you. You're such a gentleman."
Tumingin ako sa salamin. Nakita ko sa likuran na nakatayo pa rin sa puwesto niya kanina si El habang bitbit ang mga binigay ko sa kaniyang damit. Hinatid ko ang babae sa fitting room.
"Puwede ko bang malaman ang pangalan mo?"
"I'm Devon, how about you?"
"Kiran. Nice to meet you."
Kinuha niya na ang mga damit mula sa akin. "Hope to see you again."
Naglabas ako ng calling card mula sa bulsa ko. "You can call me."
Mahina itong tumawa at kinuha iyon mula sa akin. "You're prepared. I wouldn't be so surprised. You're good looking. Sure, will do."
Bumalik ako sa puwesto nito kanina pero hindi ko na siya nakita pa roon. Tumingin ako sa paligid hanggang sa makita ko siya sa counter.
Nilapitan ko siya. "I'm not done yet."
"Let's go home. Gusto mo nang umuwi, hindi ba?" anito nang hindi ako nililingon.
Dumaan pa kami sa grocery store and she was still like that. Sinadya kong ihinto ang cart at humarap sa kaniya.
"What's your problem?" malamig na tanong ko.
"There's a beautiful woman there. Seems to be having a hard time reaching for the bread. Baka gusto mong tulungan."
Hindi ako bumaling sa likuran ko. I glared at her. "Are you jealous?"
Naging malamlam ang mga mata nito. "You didn't have to do that. There were salesmen and saleslady that could assist her."
"That's not what I'm asking you."
"Who wouldn't?" namumuo ang luhang tanong nito sa akin. "You just helped a beautiful woman in front of me, yet you can't even help me."
Humugot ako ng malalim na hininga. "Ayoko nang pag-usapan 'to. I don't want more drama with you."
Muli kong tinulak ang cart at lumayo na sa kaniya. I helped the woman she was referring to earlier just to annoy her more at tumigil na siya.
She was just quiet habang nagmamaneho ako ng sasakyan. Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe nang makatanggap ako ng tawag mula kay Noah.
"What?"
"Mr. C-Chavez..." may pag-aalala sa tinig na tawag nito. "May... mga tao na naman hong n-nanggugulo rito sa club."
Nagtangis agad ang bagang ko. Hindi talaga ako titigilan ng mga hayop na 'yon. Niliko ko ang sasakyan para idiretso sa club. Mas binilisan ko pa ang takbo hanggang sa tuluyan kaming makarating. Nakita ko agad ang pamilyar na mga sasakyan nila sa harapan.
"Stay here," sambit ko bago tuluyang bumaba.
Narinig ko agad ang pagkabasag ng mga gamit sa loob. Natanawan ko ang mga itong nagsisira ng mga gamit habang tila natataranta si Noah, hindi alam kung paano pipigilan ang mga ito. Prente namang nanunuod lang si Rhett habang umiinom ng alak.
Humablot ako ng silya na nadaanan ko at nilapitan ang mga ito. Hindi ako nagdalawang-isip na ihampas iyon sa isa sa kanila. Alam kong padala sila ng amo nila para sirain na naman ang gabi ko.
Hinampas ko pa iyon sa ilang kasamahan nito at nabitiwan ko lang iyon nang hampasin din iyon ng silya ng mga ito. Wala na akong pakialam pa. Dinampot ko ang mga bagay na maari kong ipang-atake at ipang-depensa sa kanila. Sunod-sunod pa rin ang pagkabasag ng mga bote ng alak at ang pagkasira ng mga silya at lamesa.
Tinulungan ako ng mga bouncer pero para bang walang alam gawin ang mga ito kung hindi ang mangbitbit.
"Fuck..." mura ko nang tamaan ako ng suntok sa mukha. Muntik na akong sumubsob sa bar counter.
They were really testing my patience.
Marahas akong nagpakawala ng hininga at mas lalong humigpit sa pagkakaikom ang mga palad ko. Sinugod ko ng suntok ang mga ito. Wala akong pakialam kung matalsikan ng dugo nila ang damit ko. Sa bawat pagtama ng atake ng mga ito sa akin ay mas lalong nag-iinit ang buong katawan ko na gantihan sila hanggang sa hindi na sila makabangon.
"Leigh!" narinig kong tawag sa akin ni El.
Hindi ako tumigil kahit pa naramdaman kong hinablot nito ang damit ko. "I called the police. Please, stop now."
Hinampas ko ng bote sa ulo ang isa sa mga tauhan ni Eloy. Hindi pa rin tumigil ang tatlo sa pagsugod sa akin.
"Leigh, please... you're bleeding already."
"Get off me,"malamig na sambit ko at pilit na tinanggal ang kamay niya palayo sa akin. Kinuha ko ang putol na bakal sa sahig at sinugod pa ang tatlo.
Humabol pa rin sa akin si El at sinubukang pigilan ako. May hawak ng silya ang mga ito para ihampas sa akin pero nakaharang pa rin siya. She was really so stupid.
"Tumabi ka sabi!" Marahas ko siyang tinulak palayo.
Masyado iyon malakas kaya naman mabilis ding siyang bumagsak sa sahig at napadaing. Nakatingin lang ako sa kaniya nang mahampas ako ng silya sa ulo.
I was about to grab that asshole pero nakarinig kami ng sirena ng mga pulis sa labas. Mabilis nagtakbuhan ang mga ito palayo. Pinilit bumangon ng mga nasa sahig pa.
Muli akong bumaling kay El. May isang lalaki ang umalalay rito patayo. Mabilis itong lumapit sa akin at hinigit ang pisngi ko.
"O-okay ka lang ba? D-dumiretso na tayo sa ospital..."
Hindi pa ako nakakapagsalita nang umimik ang lalaking nagtayo sa kaniya kanina. Hndi ito pamilyar sa akin. Siguradong bago siya sa club.
"You looked strong for fighting against those men... however, if you can push a woman down, I'll refuse to compliment you. Only a weak and cowardly man can do what I just witnessed."
Nagpantig ang tainga ko sa sinabi nito. "I was not even asking for your opinion."
Akmang susugurin ko ito pero muling pinigilan ni El anf dibdib ko. "Leigh... plese, enough."
Dumating na ang mga pulis at hindi ko na ito pinag-initan pa. I would always tell Noah not to call the police sa mga ganoong pagkakataon. Ayokong mahungkat ng mga ito ang issue ko sa mga ito at alam kong ganoon din ang mga tarantado.
Nagmadali itong kumuha ng first aid kit nang makarating kami sa bahay. Nagtungo ako sa kusina para hugasan ang kamao ko at mukha kong may dugo. Nakahila na ako ng silya nang pumasok ito sa kusina.
Whenever I'd get wounded, she was acting like I was dying. Umupo ito sa harapan ko at maingat na nilinis at nilagyan ng gamot ang mga sugat wa mukha ko. Punong-puno pa rin ng pag-alala ang mukha nito. Inayos niya ang salamin niya bago tumuloy sa ginagawa.
"Leigh... puwede bang umiwas ka na sa away?"
"Anong gusto mong gawin ko? Sinisira nila ang club ko."
"Hindi mo naman kailangang ibuwis ang buhay mo, hindi ba? Mas lalo lang nagiging magulo ang lahat."
"It's done. You don't have to say anything."
Hinayaan ko lang ito hanggang sa matapos siya sa ginaggawa niya.
"Kukuhanin ko na ang mga pinamili natin sa sasakyan. Baka masira ang mga–" Akmang aalis pero hinigit ko ang hita niya at hinila ng binti niya palapag sa hita ko.
Sunod-sunod itong napalunok habang tila hindi komportable sa puwesto niya. Hindi ko na mabilang sa mga kamay ko kung ilang beses nang may nangyari sa aming dalawa pero tila hindi pa rin ito nasasanay.
Inangat ko ang mahabang palda niya hanggang sa hita niya. Kinuha ko ang alcohol at piniga iyon sa tuhod niya. Napading agad siya sa sakit.
"Leigh... that's too much alcohol..."
"Feel it para sa susunod matuto kang huwag makialam. Ikaw ang nagpapagulo ng lahat. Perwisyo ka talaga kahit kailan."
Binagsak ko ang alcohol sa mesa nang halos bumaha na sa tuhod nito. Discomfort was still well-written on her face. Minalas lang siya na sa bubog tumama ang tuhod niya kaya may sugat iyon at dumudugo pa.
Hindi ko hinayaang mabawi niya ang binti niya. Kusang gumapang ang palad ko paangat sa hita niya nang hindi tinatanggal ang tingin sa mga mata niya.
She looked nervous... and continued to gulp down her throat. Naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa kamay ko pero patuloy pa rin ako sa pag-angat ng kamay ko hangang sa maabot ko ang gusto ko.
She gasped and closed her eyes in pleasure. My fingers became more playful and aggressive hanggang sa hindi ko na naramdaman ang pagkirot ng mga sugat ko.
I knew she loved it, and was always willing to let me take her.
Nasa club ako buong araw para tingnan ang mga nasirang gamit at makapagbukas pa sa gabi. She gave me enough money para maayos agad ang club.
Dumating si Rhett na totoong suki ko roon. Hindi ito nakialam kagabi dahil ganoon naman talaga siya. Kahit mabugbog na ako sa harapan niya ay hindi siya makikialam.
"Guess what? Mas malaki ang nagastos mo rito kaysa bayaran na lang sila."
"I won't pay those assholes."
"Your ego is your greatest weakness."
"I don't have a weakness."
Sumimsim ako ng alak. Napatigil ako sandali nang mapansin ko ang pamilyar na taong nakaupo sa couch. Iyon ang lalaking nakita ko kagabi.
"Kilala mo ba 'yung pakialamero na 'yon?"
Bumaling ito sa direksyong tinitingnan ko.
"He's Rome Lozada. An art collector. Ilang araw ko na siyang napapansin dito."
"Art collector..." Umismid ako at nilapitan ang direksyon nito. "I remember you."
Nag-angat ito ng tingin sa akin. "Did I hurt your ego?"
Muli akong umismid at sinipa ang bote sa harapan niya.
"Who do you think you are?"
"I also own a club, but I like your place here."
"Are you spying, hmm? Planning to get something that isn't yours?"
Hindi ito sumagot agad. Binaba niya sa mesa ang hawak na baso ng alak pagkatapos ay prente itong tumingin sa mga mata ko.
"You should learn how to treat your customers right because if not... baka maagawan ka talaga."