INIKO KHARIQUE ROSS __ Marami ang sasakyan sa harap ng gallery kaya naman sinadya kong mag-park sa gilid ng kalsada kung saan mayroon lang ilang sasakyan. Naglagay ako ng yosi sa bibig ko habang naglalakad sa damuhan at sinindihan iyon. Mga ilang metro na lakad pa ang kailangan ko bago makarating sa entrance. Nasa kalagitnaan na ako nang may bumangga sa akin. Tumama ang likuran niya sa dibdib ko dahil paatras siyang kumukuha ng litrato. "Hey, I'm–" Tinanggal ko ang yosi na nakapasok sa bibig ko. "Are you stupid?" "Oh, you're smoking? That smells bad..." Pinasok ko ang palad sa bulsa ko. "You're taking pictures even you're ugly? That looks bad," walang emosyong sambit ko at nagpatuloy sa paghakbang. Inubos ko ang sigarilyo bago ako tuluyang pumasok sa loob. Marami ng tao. Elegante