MARIELA ROSE LOPEZ __ Hindi ko ito nakita buong araw sa bahay. Iniwan niya ang ilan pang hugasin sa club. Halos maghahating gabi na pero sinadya kong hintayin itong makauwi. Sinara ko ang binabasa kong magazine nang marinig kong bumukas ang pinto. Ilang sandali pa, nakita ko na ang likuran nito. Dire-diretso ito papunta sa hagdan. "Saan ka nanggaling?" malamig na tanong ko. Huminto ito at bumaling sa akin. He looked wasted as usual. Alam kong ilang bote na naman ng alak ang naubos niya. "Pakialam mo?" I glared at him. "Tinakasan mo ang trabaho sa club." "Hindi mo ba nakikita? Basa 'tong damit ko." Muli itong tumalikod sa akin at nagpatuloy sa pag-akyat. Pinanuod ko siya sa ilang sandali bago ko siya sinundan. Nakita ko siya sa harap ng closet niya na kumukuha ng damit. "Take