INIKO KHARIQUE ROSS __ Napabalikwas ako nang bangon nang maramdaman ko ang malamig na tubig na bumasa sa buong katawan ko. "Ano bang problema mo?" singhal ko sa kaniya nang makita kong may hawak siyang timba. Basang-basa ang buhok ko at ang damit ko. Nabasa rin ang couch na hinigaan ko. "There's a lot of work to do in the club. Wala kang karapatang matulog lang." Nagtangis ang bagang ko. It was f*****g too early. Masakit pa ang ulo ko sa alak na nainom kagabi. Tumayo ako. "Bakit ko naman susundin ang utos mo? Kung gusto mong bayaran kita, maghintay ka hanggang sa mamuti 'yang mga mata mo." "Bakit mo susundin ang utos ko?" tanong nito nang nagbabaga ang mga matang nakatingin sa akin. "Because you have to. Naniningil ako, hindi nakikipaglaro." "Bahala ka sa buhay mo. Ang aga-aga nan