MARIELA ROSE LOPEZ __ "Ms. Lopez, may nagpadala po nitong regalo para kay Mr. Chavez." Huminto ako sa pagpinta at tiningnan ang kulay itim na box na dala ni Rocco. Inabot ko rin iyon mula sa kaniya hinanap kung kanino galing pero wala iyong card. Gusto kong hayaan lang iyon sa mesa ko at ibigay na lang sa kaniya 'pag dating niya, but I was curious. Naisip ko na baka galing kay Keith o... isa sa mga babae niya. Sa tingin ko ay hindi naman iyon sealed. Pinag-isipan ko munang mabuti kung pakikialaman ko iyon. I finally decided to open it after a minute. Dahan-dahan ko iyong binuksan. Nanlamig agad ang mga kamay ko nang makakita ako ng patay na daga roon. Halos naihagis ko ang kahon at mabilis akong napatayo sa takot. Ramdam ko ang malakas na kabog sa dibdib ko. Nagmadaling lumapit si