MARIELA ROSE LOPEZ __ Tiningnan ko ang cellphone ko habang nagba-vibrate iyon sa ibabaw ng mesa. Pinili kong hindi na sagutin pa ang tawag ni Mr. Lozada. I just didn't want Leigh to misunderstand us again. Ayokong pagmulan pa iyon ng away naming dalawa. Tinuloy ko ang pagpinta sa t-shirt na binili ko noong nakaraan para iregalo kay Leigh. My heart was still heavy about what happened. Pati ang pakiramdam ko ay literal na mabigat. Tumayo ako para kumuha ng tubig. Hindi pa ako gaanong nakakalayo nang makaramdam ako ng pagkahilo. Hindi ko na nabalanse ang sarili ko at bumagsak na ako sa sahig. Sinubukan kong tumayo ulit pero nanghihina na ang katawan ko. Bago pa ako muling bumagsak naramdaman kong sinalo na ako ni Rocco. "Ms. Lopez... mainit po ang katawan n'yo." "My head is aching a