INIKO KHARIQUE ROSS __ Nagtungo ako sa kusina na walang nakahaing pagkain sa mesa para sa almusal pero may paper bag doon na take out sa isang restaurant. Lumabas ako para magpunta sa working station nito. Nakita ko agad ang assistant niya na nagdidilig ng mga halaman. Tumigil ito at tumingin nang matalim sa akin. Tinanggal ko rin ang tingin ko sa kaniya at bumaling sa working station ni El. Nakaupo pa rin ito sa harap ng malaking canvas habang sinusubukang ayusin iyon. "She's been crying all night doing that. Masaya ka na ba?" malamig na tanong nito. Sandali ko pa itong tiningnan doon bago ako muling bumaling sa lalaking iyon. Kinuha ko ang kuhelyo niya. "Kung ayaw mong masaktan, tigilan mo ang pagsagot sa akin, naiintindihan mo?" "Duwag ka." Nagtangis ang bagang ko at mas lalong