MARIELA ROSE LOPEZ __ Nagising ako sa tunog ng pagpukpok ng martilyo sa labas. Mabigat pa ang talukap ng mga mata ko pero unti-unti rin akong nagmulat ng mga mata. Maliwanag na sa paligid ko at tapos na rin ang ulan. Hindi na ako nilalamig at nakasindi na ang fan na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Hindi ko na rin nakita ang bote ng alak doon at mukhang nalinis niya na ang mga pinagkainan. Dahan-dahan akong bumangon na may bahagyang kirot sa ulo. Naririnig ko pa ring ang pagpukpok sa labas. Sinuot ko ang tsinelas ko at nagtungo sa bintana para silipin ito. Nakita ko ang sasakyan niya pero hindi ko siya makita. Tiningnan ko naman ang paligid. Basa ang lupa at mga damo pati na rin ang mga puno pero maganda na ang sikat ng araw. It was making me want to go out and just see the place. Ala