INIKO KHARIQUE ROSS __ Binigay sa akin ni Noah ang listahan ng mga properties ng lalaking iyon. Pinasadahan ko lang ng tingin ang mga papel. "Let me handle this." "Anong kailangan naming gawin?" tanong ni Rocco. "Just stand by." "Hindi ba't mas mabilis nating mahahanap si Ms. Lopez kung magtutulungan tayo?" "Ayokong maging magulo pa lahat. The culprit is working smart. Let's learn from what happened to Callie. I need the two of you to stay alive. Keep your phones open and stay alert." Binitbit ko ang papel at bumalik din ako sa sasakyan ko. Huminto ako sa meeting location ng kausap kong tauhan. Hindi na ako bumaba ng sasakyan at inabot na lang sa kaniya ang listahan. "I need all the footage near those places hanggang hindi lumalabas ang hinahanap ko." "Nakuha ko ho." Umalis di