MARIELA ROSE LOPEZ __ Lumabas ako ng silid at plano kong dumiretso palabas ng bahay dahil nakita kong nakabukas pa rin ang sasakyan niya at ang pinto pero hindi pa ako nakakaabot doon nang hablutin niya ang braso ko. "Pakawalan mo ako!" Mahigpit ang hawak niya roon at hinila niya ako pabalik sa silid. Halos sumubsob ako sa kama nang bitiwan niya ako pahagis doon. "Don't force me to be harsh to you," malamig na sambit nito. "Why don't you show me what you can do? I already know who you are. You're a liar, a thief, a poor womanizer." "Tapos ka na?" sarkastikong tanong nito na diretsong nakatingin sa mga mata ko. Humakbang ito papunta sa pinto pero mabilis akong tumayo at nagpumilit na lumabas. Muli niyang marahas na kinuha ang braso ko. Nagpumiglas ako at pilit siyang tinulak palayo