Gabi na nang matapos kaming mamili ng mga damit ni Sir Max. Nag-enjoy naman akong kasama siya—naroon ang kilig pero hindi ko rin maiwasang bumigat ang pakiramdam ko sa tuwing naiisip ko na lahat ng ginagawa niya ay para sa ate ko, sa ate ko na hinding-hindi mapapasakanya. Ako ang nasasaktan para sa kanya, sa ginagawa niya. Lahat kasi ng efforts niya ay useless. May minamahal na ang ate ko at ramdam kong mahal na mahal niya talaga si Kuya Sull. "Maya, I'll send you home," sambit niya sa akin nang makapasok kami sa kotse. "But before that, let's have dinner together," dagdag niya sabay ngiti sa akin nang pagkatamis-tamis. "Consider it as my token of gratitude." Hindi na ako tumanggi. Ngumiti ako pabalik sa kanya at tumango. "Sure!" Huminga ako nang malalim at binalewala ang bigat na nara