SIMULA - Maya & Maximo

1633 Words

Sobrang hapdi pa ng mga mata ko pero kailangan ko nang bumangon para maghanda sa unang araw ng trabaho ko. Ilang beses pa akong humikab dahil antok na antok talaga ako. Kulang kasi ako sa tulog. Paano ba naman kasi ay nahirapan akong matulog kagabi kakaisip kay Sir Max at sa posibilidad na palagi ko siyang makita at makasama. "Kumalma ka, Maya," bulong ko sa sarili ko bago inalis ang mga muta sa aking mga mata. Todo ngiti pa ako habang papunta sa banyo para maligo. Hindi ko kasi mapigilang kiligin sa tuwing naiisip ko si Sir Max. Ewan ko ba, ang lakas talaga ng dating niya sa akin. Parang huling-huli niya ang kiliti ko. Kahit titigan ko lang siya ay sapat na sa akin para sumaya ako nang husto. Alam n'yo 'yon, 'yong masaya ka na kahit hanggang tingin ka lang? Mabilis ang bawat kilos k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD