I was already expecting it. I had the thought in my mind but I tried to ignore it. I tried not to believe it because I wanted to hear it first from him. At ngayong alam ko na, hindi ko alam kung ako ang mararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat isipin ko; kung ako ba dapat ang maging reaksyon ko. "Georgina?" tawag sa akin ni Max nang hindi ko siya kinibo nang ilang segundo. Na-blangko ako bigla. "Is that so?" sagot ko sa kanya at marahang tumango. Pilit akong ngumiti. Ayokong ipakita sa kanya na labis akong naapektuhan ng nalaman ko. "They seem to be close, huh?" Hindi nagsalita si Max. Tumingin lang siya sa akin, siguro'y tinitimbang kung ano ba dapat ang sasabihin. Pero ngumiti lang ako sa kanya para siguruhin siya na ayos lang ako. "What's going on here?" kapwa kami napatin