TAGAKTAK ang pawis ko at halos kapusin na ako ng hininga. Gusto ko nang magpahinga dahil nangangalay na rin ang mga binti ko kakatakbo, pero hindi maaari. Hindi ako pwedeng tumigil dahil maaabutan nila ako. At kapag nangyari ‘yon, baka hindi lang bugbog ang abutin ko sa kanila. “Bilisan ninyo ang takbo! Habulin n’yo ang putanginang Morales na ‘yon!” Dinig na dinig ko ang nanggagalaiting sigaw ni Jude, ang lider ng grupong hindi nagsasawang apihin ako at gulpihin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang pilit kong binibilisan ang bawat paghakbang ng mga paa ko. Ramdam ko ang kaba at takot dahil ito ang unang beses na pumalag ako sa kanila. Ito ang unang beses na sinagot ko sila. Hindi ko na kasi natiis ang mga sinasabi nila lalo na sa