I decided to wait for Sullivan to arrive. Pero habang wala pa siya ay dumikit na ako kay Max para pagdating niya, 'yon agad ang bumungad. Kami lang ni Max ang nasa pool ngayon dahil umalis ang iba para magbihis na rin. Nakaupo lang kami at umiinom ng juice. "Are you really sure about this?" tanong muli sa akin ni Max. Ilang beses na niya itong itinatanong, kaya sigurado akong nag-aalala rin siya sa maaaring kalabasan ng gagawin namin. After all, Sull is his friend. "I'm sure, Max. One hundred percent sure," desididong sagot ko. "You can choose not to ride with it though, but that won't stop me from clinging onto you," dagdag ko at tiningnan siya sa kanyang mga mata. "You're the only person that I could use to execute my plan." "Why don't you just talk it out with him rather than make h