“BUWI!” Wala kay Kelly ang atensyon ng binata. Gaya noong nasa simbahan sila sa binyag ni Gregory ang reaksyon nito kay Nelson. “Buwi, this is—“
“Kilala ko na siya,” sansala nito. “Ikaw ang lalaking nanakit sa damdamin ni Kelly. Ikaw din ang sumira sa image ko sa kanya kaya nagagalit siya nang husto sa akin.”
“Pero hindi na ako galit—“
“Ang lakas naman ng loob mong magpakita pa ngayon. Alam mo, noong una kitang makita, isinaalang-alang ko kung nasaan tayo.”
Tumayo na rin si Nelson. “Pare, maaaring nasabi na sa iyo ni Kelly ang lahat. Huwag kang mag-alala. Nagkasundo na—“
“Sinabi ko bang magsalita ka?” Pinitsarahan nito sa kuwelyo ng suot nitong polo si Nelson.
“Buwi!” Pinilit niyang pinaghiwalay ang mga ito. “Buwi, ano ka ba? Huwag ka namang ganyan kay Nelson.”
Natameme siya nang makita ang galit sa guwapong mukha nito nang bumaling sa kanya. Pagkatapos ay napansin din niya ang pagtatampo sa mga mata nito. Unti-unti nitong binitiwan si Nelson saka siya hinarap. Hindi sinasadyang napaurong siya.
“Ipinagtatanggol mo pa ang hayop na ito? Sinaktan ka na niya at lahat, kinakampihan mo pa siya?”
“Buwi—“
“He’s not worth your love, damn it! Gumising ka na, Kelly! Tapusin mo na ang p**********p sa sarili mo. May asawa na siya, may pamilya!”
“Alam ko na iyan—“
“Kung ganon bakit isinisiksik mo pa rin ang sarili mo sa kanya? Don’t you have enough suffering already? At kailangang ngayon ay makipagbalikan ka pa kumag na ito?”
Nag-uumpisa ng mag-init ang ulo niya sa mga pinagsasasabi nitong wala namang katotohanan. Ni hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag. Basta na lang nito inisip na nagpapakatanga na naman siya.
“At ikaw,” baling uli nito kay Nelson na hindi na lang umiimik. “Huwag ka na uli magpapakita kay Kelly, naiintindihan mo? Oras na makita kitang lumapit pa sa kanya, dudurugin ko ang lahat ng buto sa katawan mo. On second thought, kawawa naman ang pamilya mo kung gagawin kitang baldado. Siguro pipilayan na lang kita pansamantala.”
“Buwi, sinabi ng tigilan mo iyan! walang ginagawang masama sa iyo si Nelson!”
“Meron!” sigaw nito sa kanya. “Sinaktan ka niya at mas matindi pa iyon sa kung ako mismo ang sinuntok niya.”
“Well, its not for you to decide on what to with him!” Tuluyan ng nag-init ang kanyang ulo. “Sa akin siya may atraso kaya ako ang makikipag-deal sa kanya.”
“At paano ka nakikipag-deal sa kanya? By accepting him in your life again?”
“Ano ba ang akala mo sa akin? Tanga?” Nainis siya sa sobrang babaw ng pagkakakilala nito sa kanya. “For your information, wala akong balak na makipagbalikan kay Nelson. Nag-usap lang kami. ‘Yun lang. He said he was sorry and I forgave him. Wala akong ginagawang masama. Ako pa nga dapat ang dapat magalit dahil ikaw ang may kasalanan sa akin.”
“Ako? Ano naman ang kasalanan ko sa iyo?”
“You lied to me, Buwi. And you know how much I hated liars.”
Doon lang ito tila kumalma. “I had my reasons.”
“Reasons?”
Imbes na sagutin siya ay binitiwan na lang nito si Nelson saka inayos ang nagulo nitong kuwelyo. “Pasensiya na, pare. Nabigla lang ako.”
“Its okay. Ganyan talaga ang mga nagseselos.”
“What?” naguguluhan niyang tanong.
Tinapik lang ni Nelson sa braso si Buwi. “Ikaw na ang bahala kay Kelly. Take care of her. For me.”
Nagtataka na lang niya itong sinundan ng tingin nang lumabas ito ng coffee shop na iyon. May na-miss yata siyang nangyari sa pagitan ng dalawang lalaking pasaway sa buhay niya. Doon lang din niya napansin na nasa kanila na ang atensyon ng ibang customers ng coffeeshop na iyon. Kaya tuloy ay balingan na lang niya si Buwi upang ipagpatuloy ang paglalabas niya ng init ng kanyang ulo ay wala na ang aura nitong palaban. Nakasunod din ang tingin nito kay Nelson at saka lang uli nabalik sa kanya ang atensyon nito nang mapansin marahil nito na nakatingin na siya rito. Unti-unti ng naglaho ang init ng ulo niya nang sa wakas ay magtama ang kanilang mga mata nang walang sinoman sa kanila ang nagtataas ng boses.
“I was out of line,” mayamaya’y wika nito. “Sorry. Hindi dapat kitang hinusgahan agad nang hindi muna kita tinanong.”
“Oo nga.”
“Sorry na nga, di ba?”
“Bakit ganyan ang tono mo?”
Napakamot na lang ito ng ulo. “Ewan. O.”
Isang magandang boquet of flowers ang iniaabot nito sa kanya. Natural lang na magulat siya. “B-bakit mo ako binibigyan ng mga iyan?”
“Gusto ko lang. Masama ba?” aburido pa rin ang boses nito.
Nasira tuloy ang ilusyon niya. “No, thanks. Mukhang napipilitan ka lang naman yatang ibigay iyan sa akin.”
“Ano ka ba? kahit kailan hindi ako nagbibigay ng mga bulaklak sa babae.”
“So, dapat ko pang ipagpasalamat iyan? Pagkatapos mo akong sigaw-sigawan kanina?”
Napabuntunghininga na lang ito. “Alright. I’m sorry, okay? I’m sorry I thought you’re going back to that bastard. I’m sorry I shouted at you. I’m sorry I lied to you.”
Siyempre, bumigay na naman ang puso niya. Kahit kailan yata, hinding-hindi na magmamatigas ang puso niya rito. With just one look from him, with just one smile, she would always be his for the taking.
“Hindi na ako babalik pa kay Nelson,” mababa na rin ang boses niya. “Nag-usap lang kami kanina. Nagkuwento siyang hindi siya masaya sa buhay niya ngayon dahil ako pa rin ang mahal niya. Pero tanggap na rin niyang hindi na maibabalik pa ang nakaraan. I don’t love him anymore.”
“That’s good to know. Kung sakaling nakipagbalikan ka sa kanya, kakaladkarin talaga kita palayo sa kanya.”
“Well, you don’t have to do that. Hindi ako kasing tanga gaya ng iniisip mo.”
“Kahit kailan hindi ko inisip na tanga ka.”
“Talaga? Kung ganon bakit mo ako tinanong kanina kung tanga ba ako?”
Napabuntunghininga na lang uli ito. “You won’t let me off the hook that easy, huh. Oh, well, ganito na nga yata talaga ang kapalaran ng mga taong nagseselos. Lagi na lang pumapalpak.”
Napa-double take siya rito. “Nagseselos?”
Pero bago pa ito makasagot ay nag-ingay na ang cellphone nito. Hinintay pa rin niya itong matapos sa pakikipag-usap nito sa nasa kabilang linya. Hindi na kasi mapakali ang puso niya sa narinig na huling sinabi nito. Gusto lang niyang makasiguro kaya kailangan niya ng kumpirmasyon mula rito.
“That was my superior,” wika nito pagkatapos. “Pinare-report niya ako sa nangyaring hostage-taking sa kabilang building.”
“Ha? Pero mag-uusap—“
“We’ll talk later.” He put the flowers on the table and gave her a kiss on her head. “Magkita tayo mamaya sa Calle Pogi.”
Iyon lang at umalis na ito. Naiwan tuloy siyang nakatanga na lang dito. Pagkatapos ng mga sinabi at ikinilos nito, basta na lang siya iiwan sa ere? Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, nahilo na yata siya kaya hindi na naman niya alam ngayon kung ano ang iisipin. Binalingan niya ang mga bulaklak sa ibabaw ng table. Naupo siya sa kanyang silya at nangalumbaba habang tinititigan iyon.
“Ano ang magagawa ng mga bulaklak na ito?” tanong niya sa sarili. “Masasagot mo ba ang mga tanong ko?”
Pero magkita raw sila ni Buwi sa Calle Pogi mamaya? Sige, sa ngayon ay pagbibigyan niya ito. Tutal wala rin naman siyang magagawa kundi ang hintayin na nga lang itong lumapit sa kanya upang linawin ang lahat ng mga iginagawi nito. Because she was sure as hell her feelings never did change one bit.
“Humanda ka sa akin mamaya, Buwi.”