CHAPTER 14

725 Words
KELLY WAS reading through her script for some errors when someone sat on the chair in front her.  Sasabihan sana niyang occupied na ang table na iyon para lang sa kanya nang makilala niya kung sino ang istorbong iyon. “Hi.”  Nakangiting mukha ni Nelson ang nabungaran niya.  “Nagbakasakali lang akong dito ka pa rin nagtatrabaho.  Thank goodness you’re still here.  Kumusta ka na, Kelly?  You look great.” “Anong ginagawa mo rito?” pormal niyang tanong.  Wala na siyang anomang galit dito ngunit hindi rin naman niya magawang lumambot ang puso niya rito.  “Baka magselos ang asawa mo kapag nakita ka niyang may kasama kang ibang babae.” Malungkot lang itong ngumiti.  “Hindi ako makapaniwala nang makita kita sa simbahan noong Linggo.  I…I miss you, Kelly.” Marahan na lang siyang napailing.  Even after all these years, hindi pa rin ito nagbabago.  “Nelson, may sarili ka ng pamilya ngayon—“ “Alam mong nagpakasal lang ako kay Cathy dahil sa bata.  Ikaw ang mahal ko…hanggang ngayon.  Buong buhay ko na yatang pagsisisihan ang ginawa kong pagtataksil sa iyo.  Hindi ko magawang mahalin si Cathy.  Hindi ko kaya.  Ikaw pa rin ang nasa puso ko, Kelly.  Hindi kita kayang kalimutan.” Pinagmasdan lang niya itong maigi.  Wala na ang dating sigla sa mga mata nito noong silang dalawa pa.  At sa nakikita niya, mukhang hindi nga ito masaya sa naging buhay nito ngayon.   “Sorry, Nelson.  Pero ako, nakalimutan ko na ang anomang pagmamahal na naramdaman ko sa iyo noon.”  Mas mamabakas na ngayon ang lungkot sa mga mata nito.  “Ayokong sisihin ka sa mga nangyari.  Kaya lang talaga namang kasalanan mo ang lahat.  Minahal kita pero sinaktan mo lang ako.  Binawale mo ang pagmamahal ko.” “I’m sorry…” “You should be.  Masyado mo akong sinaktan noon.  Pero huwag kang mag-alala dahil napatawad na rin naman kita.”  She sipped on her coffee and filled her mind with Buwi’s images.  “Nagmamahal na uli ako at masaya na ako ngayon.” “Siya ba ‘yung lalaking kasama mo sa simbahan noong Linggo?” “Oo.  He’s name’s Buwi.  Lapitin din siya ng mga babae gaya mo noong tayo pa.  Ang ipinagkaiba lang ninyo, hindi niya sinaktan kahit na nga wala naman kaming relasyon.  He cares for my feelings.  Para sa akin, sapat na iyon para mahalin ko siya ng walang hinihinging kapalit.” “I can see you really love him.” “I do.” Malungkot itong ngumiti.  “You never had that kind of conviction about your feelings when we’re still together.” “I had, Nelson.  You’re just too preoccupied of yourself to notice it.”  Masyado na yata siyang naging malupit sa mga sinasabi niya rito.  Kaya bumawi na lang siya.  Afterall, kahit paaano naman ay naging bahagi rin ito ng buhay niya.  “Hindi kita uutusang mahalin si Cathy dahil alam kong hindi puwedeng turuan ang puso.  Pero sana, para man lang sa mga anak ninyo, irespeto mo siya bilang asawa mo.  Tigilan mo na ang pakikipaglapit sa ibang mga babae.  Tama ng ako na ang huling babaeng masasaktan mo, Nelson.” Napayuko na lang ito.  When he finally looked up to her, there was a renewed vigor in his eyes.  “I promise I won’t hurt her.  Ayoko na rin namang may isang mahalagang tao ang mawala sa akin nang dahil sa kayabangan ko.” “Please do.” Isa pang ngiti ang sumilay sa mga labi nito.  “I’m sorry I hurt you before, Kelly.” “I forgive you.” “Salamat.  Masaya ako na nagkaroon ako ng pagkakataong makausap ka uli.  At least, maisasara ko na rin ngayon ang kahapon ko.”  Iniabot nito sa kanya ang isang kamay nito.  “I know this may sound too cliché but…can we be friends?  For old time’s sake?” Maluwag na rin ang kalooban niya.  Napatawad na niya ito at nagmamahal na siya ng iba.  Siguro nga puwede na niyang tanggapin ang pakikipagkaibigan nito.  Ngunit bago niya maabot ang nakalahad nitong kamay ay may umagaw na sa kamay niya. “Kelly’s hand belongs to me now.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD