CHAPTER 10

2682 Words
BAHAGYANG NAGISING si Kelly nang marinig ang mahinang usapang iyon sa kanyang tabi. “Umuwi ka na muna, Buwi.  Tulog na naman si Kelly at ako naman ang magbabantay sa kanya.” “Okay lang naman ho ako, Aling Linda.  Hindi pa naman ako pagod.” “Sige, pero matulog ka.  Para makapagpahinga ka kahit paano.  Kaninang tanghali ka pang nagbabantay kay Kelly, eh.  Baka ikaw naman ang magkasakit sa susunod.”  “Hindi ho.  Kaya ko hong pangalagaan ang sarili ko.”  Saglit na katahimikan.  At sa mas mababang boses ay muli niya itong narinig na nagsalita.  “Mas importante hong pangalagaan ko ngayon si Kelly.  Ito lang ang pagkakataong ibinigay sa akin para makalapit uli ako sa kanya.” “Hay…kayo naman kasing dalawa.  Bakit kailangan pa ninyong magkasakitan kung puwede naman kayong mag-usap ng maayos?  Teka, dapat pala kay Kelly ko sinasabi ito.” “May kasalanan din ho ako sa nangyari.  Hinayaan kong magalit siya nang husto sa akin.” “E, bakit nga ba, ha?” Hinintay din niya ang sagot ni Buwi.  Gusto niyang malaman kung bakit sa kabila ng mga ginawa at sinabi niya ay heto pa rin ito at inaalagaan siya.  In fact, ito pa nga ang nag-insist na mag-alaga sa kanya kahit hindi naman kailangan.  Subalit nanatiling wala itong sagot.  Napabuntunghininga na lang siya.  Bakit, ano ba ang inaasahan niyang isasagot nito?  Na…may gusto rin ito sa kanya kaya sa kabila ng mga ipinakita niya rito ay naroon pa rin ito sa kanyang tabi?  Inismiran niya ang sariling katanungan.  Duh.  Inaalagaan siya nito at pinagsisilbihan dala ng sundot ng kunsensiya dahil sa nangyaring aksidente sa kanya.  Wala ng iba pang dahilan. Shit ang lungkot naman… Mabuti na lang at nakisama sa kanya ang pagkakataon.  Madali siyang nakatulog at napahinga rin sa wakas ang isip niya.  But sometime during the course of the night, nagising siya at agad na hinanap ng kanyang mga mata ang binata.  Wala ito roon.  Iniwan na ba siya nito nang tuluyan? “May pasumpa-sumpa ka pang nalalaman,” bulong niya sa hangin.  “Lalayasan mo rin pala ako.  Pangit!” Hinawakan niya ang kanyang noo nang maramdaman ang pagkirot niyon.  Masama na talaga ang pakiramdam niya.  And its not just because of that damn pain in her left arm. “Kelly?” Napaangat siya ng tingin nang marinig ang boses na iyon.  Pumasok si Buwi mula sa glass door na karugtong ng veranda sa kanyang silid.   “Buwi—“  Napakunot uli ang noo niya nang may kung anong pumitik sa kanyang sintido.  “Aw…” Nasa tabi na niya ito sa kama agad.  “Sumasakit ba ang pilay mo?” Umiling siya.  Tila naalog ang utak niya kaya napayuko na lang siya.  “My head hurts.” He had gently gathered her in his arms in an instant.  Pagkatapos ay hinaplos nito ang kanyang ulo.  “May lagnat ka.  Kailangan mo ng kumain para makainom ka agad ng gamot.” “Gagaling ba ako sa mga iyon?” “It will help you feel better.” “Nasaan na…?” Nang maramdaman niyang inilalayo siya nito rito ay kumapit siya sa damit nito.  Hindi niya alam kung bakit niya ginawa iyon.  Basta iisa lang ang umiikot sa isip niya ngayon.  Mas magaan ang pakiramdam niya kapag nasa mga bisig siya nito.  Bahala na ito kung ano ang gusto nitong isipin.   “Hindi kita iiwan, Kelly,” narinig niyang wika nito.  “Kukunin ko lang ang pagkain at babalik ako agad.” Pero hindi pa rin niya ito pinakawalan.  Wala rin siyang balak na magsalita at baka kung ano lang ang masabi niya.  Basta ayaw na muna niya itong mawala sa kanyang tabi kahit ngayon lang.  Still, he moved away from her.  Nag-iinit na ang gilid ng kanyang mga mata.  Nabitin lang ang kanyang mga luha nang maramdaman naman niyang hawakan nito ang kanyang kamay.  Napatingin siya rito.  He was preparing her food from the nightstand with just one hand.  Napalingon ito sa kanya at ngumiti. “Sandali lang, ha?” wika nito.  “Oo nga pala.  Sopas lang ito.  Gusto mo pa bang ipagluto kita ng ibang putahe?” “H-hindi na…”  Sa magkasugpong naman nilang mga kamay siya napatingin.  “Ahm, puwede mo na akong bitiwan para makakilos ka ng maayos.” “Okay lang ako.” “Buwi—“  Sinubukan niyang bawiin ang kanyang kamay ngunit hindi siya nito pinakawalan.  Warmth flooded her heart.   Akala niya ay tuluyan na siya nitong pakakawalan.  Hindi pa pala.  At masaya siya sa isiping iyon.  Naupo ng muli sa tabi niya sa kama si Buwi, bitbit ang mangkok ng sopas.  Inilapag nito iyon sa pagitan nila. “Susubuan na kita,” wika nito.  “Kumain ka ng marami.  Kung hindi iiwan kita rito.” Binitiwan niya ang kamay nito.  “E, di iwan mo.” Hinawakan nitong muli ang kamay niya.  “Joke lang.  Sige na, kain na.  Iinom ka pa ng gamot.” Hindi na siya tumanggi nang subuan siya nito.  Kumakalam na rin naman ang sikmura niya at medyo naiinis na siya sa pagkirot ng kanyang ulo. “Anong oras na ba?” tanong niya mayamaya. “Alas dos na ng madaling araw.” “At hindi ka pa natutulog?” “Walang magbabantay sa iyo kung matutulog ako.”  Patuloy ito sa pagsubo sa kanya.  “Nakita mo naman, ngayon ka lang gumising.  Kung natulog ako, walang aalalay sa iyo.” Lihim siyang napangiti.  “Thank you.” “Obligasyon ko iyon.  Kasalanan ko kung bakit bed-ridden ka ngayon.” Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mga labi sa narinig.  Obligasyon?  Kung ganon ay hindi nito kusang loob kung bakit ito naroon ngayon at inaalagaan siya.  Nilabanan niya ang kalungkutang bumabalot sa puso niya.  Kunsabagay, ano pa nga ba naman ang inaasahan niya pagkatapos niya itong pagtangkaang balian ng mga buto sa katawan? “O, ayaw mo na?” Napabuntunghininga na lang siya.  “Gusto ko ng tinapay.  Meron ba riyan?” “Anong gusto mong palaman?” “Peanut butter.” Iniwan nito ang sopas at inasikaso naman ang paghahanda ng tinapay niya.  Hindi pa rin nito binibitiwan ang kanyang kamay.  Bumalik ang saya sa kanyang dibdib.  Hangga’t nasa tabi niya ito, siguro puwede na rin siyang maging masaya.  She was with the man she didn’t know she could ever learn to love. “Kumusta na nga pala ang braso mo?” tanong nito.  “Sumasakit pa rin ba?” “Hindi na gaano.  Ang ulo ko ang masakit.”  Ipinagpatuloy niya ang paghigop ng sopas ng mag-isa.  “Ang init pa ng pakiramdam ko.  Ito ang ayaw ko kapag nagkakasakit.  Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko.” “Hayaan mo, mawawala rin iyan kapag nakainom ka na ng gamot at nakapagpahinga ng maayos.”  Naupo na itong muli sa kama at ibinigay sa kanya ang tinapay.  “Here.” “Salamat.”   Pinanood nito ang pagkain niya.  Nagwawala ang puso niya ngunit kaya na niyang kontrolin iyon.  Ganoon naman yata talaga.  Once na tinanggap at inamin mo na sa sarili mong nagmamahal ka, mas magiging madali na sa iyo ang lahat.  Wala ka na kasing iisiping pigilin at matitigil ka na rin sa pagtatanong sa sarili mo ng kung ano-anong may kinalaman sa taong iyon.  Medyo nakakapraning lang dahil kinailangan pa niyang magkasakit para lang lubusang tanggapin sa sarili ang damdamin niyang iyon para rito. Itinaas niya ang magkasugpong nilang mga kamay.  “Para saan ‘to?” “Para sa akin.” “Sa iyo?” “I like holding your hand.” Inabot niya ang baso ng tubig sa may nightstand pero inunahan siya nito.  Uminom muna siya upang magkaroon na rin ng kaunting pagkakataon na ipunin ang kanyang katinuan.  Dahil talaga nga namang nadadala siya sa mga sinasabi nito. “You like my hand, huh.” “Yeah.”  He dabbed his thumb on the side of her lips.  “Kelly…”  Iniligpit na nito ang mangkok.  “Why do you hate me?” “Ha?” “Gusto ko lang malaman.”  Hinarap na siya nito.  “Kung bakit galit na galit ka sa akin?  May nagawa ba akong mali na ikinagalit mo nang husto?” Kumurot siya ng piraso ng tinapay.  “I don’t hate you.” “Hindi iyan ang narinig kong sinabi mo nang magkaharap tayo sa gym,” nakangiti nitong wika.  “I reminded you of someone?” “Medyo.” “Meaning?” “Pareho kayong playboy.” “Hindi ako playboy.  Ang playboy, ‘yung pinagsasasabay ang mga babae.  Hindi ko iyan ginawa kahit kailan.  Gentleman ako.” “Playboy ka.  Ang dami mong babae—“ “Correction.  Admirers ang tawag sa kanila.  But none of them were ever my girlfriend.  Kung sakaling may girlfriend ako, hinding-hindi na ako titingin pa sa ibang babae.  At sa mga naging girlfriends ko naman, kahit kailan ay hindi sila nagreklamo noong habang may relasyon pa kami.” She looked at him and sighed.  She was being unfair to him.  Wala nga namang taong magkapareho.  At hindi tama na ikumpara niya ito sa dating nobyo.  Mula nang makilala niya ito, ni minsan ay hindi ito gumawa ng kahit na ano na masasaktan siya.  Ang mga frustrations niya rito sa tuwing makikita niya itong may kasamang babae, hindi naman nito iyon kasalanan.  Wala rin silang relasyon para isaalang-alang nito ang mararamdaman niya kapag nakikipag-usap o nakikisama ito sa mga babaeng kakilala nito.   Lagi niyang sinasabi na matagal ng wala sa kanya ang dating kasintahan na si Nelson.  Pero hindi niya alam, naaapektuhan pa rin pala siya nito.  Lalo na sa pakikisama niya kay Buwi. “Nelson, my ex, cheated on me.”  Hindi ito nag-react kaya nagpatuloy siya.  “Gaya mo rin siyang lapitin ng mga babae.  Nagagalit ako at nagseselos noong una dahil hindi naman siya umiiwas sa mga babaeng iyon.  Pero in-assure niya akong ako lang ang mahal niya at tanging babae sa buhay niya.  Nagtiwala ako dahil mahal ko siya.  Isang araw may lumapit sa akin, buntis daw siya at si Nelson ang ama.  I confronted him, he denied everything.  At ako namang si tanga, naniwala.  Hanggang sa nalaman ko na lang na nagpakasal na pala sila.” “What an asshole!” she heard him hissed. “I know.  He just didn’t cheat on me.  He lied to me through and through.  Nagkausap pa rin kami pagkatapos.  Ang sabi niya, ako raw ang mahal niya at napilitan lang siyang magpakasal dahil sa bata.” “Yeah, right.” Tiningnan niya ito at napansin niya ang pagtatagis ng mga bagang nito habang inaalis ang mga piraso ng tinapay sa kumot niya.  Natutuwa siya na nakikisimpatiya ito sa nangyari sa kanya.  And she felt even more better.  Hindi na nga rin niya maramdaman pa ang hinanakit na naramdaman niya noong maghiwalay sila ni Nelson.  Kunsabagay, nakalimutan na niya ito.  Its been three years already.  Hindi lang niya agad nakalimutan ang dahilan ng lahat ng iyon dahil kahit paano ay minahal naman niya ito at talagang nasaktan siya sa nangyari sa kanila. “So…since pareho kaming lapitin ng babae, naaalala mo ang masasakit na ginawa sa iyo noon ng boyfriend mong ugok?  That’s really unfair, Kelly.  I’m not like him.  I’m nothing like him.  Hinding-hindi ko magagawa sa babaeng mahal ko ang ginawa niya sa iyo.  So, please don’t compare me to that bastard.” “Sorry.  Hindi ko lang maiwasan sa tuwing nakikita kitang dinudumog ng mga babae.” “I enjoy the attention.  Siguro naman nahalata mo na iyan ngayon.  Pero ni minsan ay hindi ako nag-take advantage sa mga babaeng lumalapit sa akin.  I enjoy their company so I talk to them.  That’s it.” “Hindi mo kailangang magpaliwanag.” “I just feel the need to explain myself.  Medyo hindi ko kasi nagustuhan ang ideya na sa dinami-dami ng lalaking maalala mo sa akin, ang gagong ex mo pa.  Puwede namang si George Clooney.  Pero bakit ang ex mo pa?” “’Kapal mo.  George Clooney ka riyan.” “Sige, si Brad Pitt na lang.” “Heh!” “You’re right.  Mas guwapo ako sa kanya.” Napangiti na lang siya.  Hindi na yata talaga mawawala ang kayabangan nito.  Ang ipinagkaiba lang ngayon, hindi na kasing sama ng tingin niya noon ang tingin niya ngayon dito.  Tama naman kasi ito.  He was nothing like Nelson. “Kalimutan mo na lang ang hayup na iyon, Kelly.  Sinaktan ka lang naman niya.  Katangahan na lang kung patuloy mo siyang gagawing bahagi ng buhay mo.  Wala naman siyang magandang idinulot sa iyo.”  Inabot nito ang baso ng tubig sa kanya.  “Hindi mo pa ma-appreciate ang kaguwapuhan ko nang dahil sa kanya.  Bad trip iyon, akala mo.” “Bakit kailangan kong i-appreciate ang kaguwapuhan mo?” “Siyempre.”  Wala na itong idinugtong pa. “Siyempre ano?” Tuluyan na nitong hindi sinagot ang tanong niya.  Bagkus ay tahimik na lang nitong kinuha sa kanya ang baso matapos siyang uminom.  “Buwi, kung iniisip mong gantihan si Nelson, kalimutan mo na lang iyon.  He’s not worth your time.” “Alam ko.” Ganon?  Ang bilis daw bang sumagot?  Pakiramdam tuloy niya ay talagang wala itong pakialam sa nangyari sa kanya.  Well, not that she was expecting anything from him.  Kaya lang…sana man lang nagpakita ito ng interes na iganti siya kahit paano.  Hay!  Ang g**o na naman niya. “So, Kelly, now that we’ve settled this issue, siguro naman puwede na tayong magkasundo.” Tumango lang siya.  “Sorry kung idinamay kita sa galit ko kay Nelson.” “You’re forgiven.  Basta huwag mo na akong i-associate sa kanya.  Kahit kailan.” “Okay.”  Inilahad nito ang kamay sa kanya.  Tinanggap naman niya iyon, tanda ng pagtanggap niya sa pakikipagkaibigan nito.   But when she felt him gently squeezed her hand, it reminded her of her growing feelings for him.  Ngayon, paano pa niya mapaninindigan ang friendshiop na inio-offer nito sa kanya?  Kung sa bawat pagkakataon na makikita niya ang mukha nito ay maaalala niyang mahal na niya ito? Nakakaloka talaga ang tadhana.  Kung kailan natuto na uli siyang magmahal, saka pa hindi puwede.   Binitiwan na niya ang kamay nito.  “Matutulog na ako.  Umuwi ka na, Buwi.” “Nah.  I’ll stay here.” “Matulog ka na.  Siguradong mamayang tanghali na ang gising ko nito.  Kaya wala ka ng dapat na alalahanin.  Magpahinga na lang tayong pareho.” He leaned towards her.  “Mauna ka ng magpahinga.  Matutulog na lang ako kapag nakatulog ka na.” Parang kinikiliti ang puso niya sa mga sinasabi nito.  Hinayaan na lang tuloy niya ang kanyang sariling mangarap kahit sandali lang.  Tutal naman, ito na ang naunang nagpasok ng kung ano-anong ideya sa isip niya sa mga ginagawa nito ngayon kaya hindi niya maiwasang mangarap. “Buwi, huwag ka ng magpaka-sweet diyan,” wika niya at nahiga na uli.  “Alam ko ng charming ka.” “Ah, finally.  Nagkaroon din ako ng sarili kong impression sa iyo.”  Inayos nito ang kumot niya.  Pagkatapos ay pinagmasdan siya nito ng may ngiti sa mga mata nito.  “I saw you smile a while ago.  Masarap sa pakiramdam ang ngiti mong iyon, Kelly.  Nakakatanggal ng stress.” “Oo, alam ko na iyan.  Huwag na akong bolahin at baka bangungutin lang ako.” Tumawa lang ito.  “Sweet dreams, Kelly.” And then he kissed her on her head.  Ikinagulat niya iyon kaya hindi siya agad nakapag-react, lalo na nang kindatan siya nito bago ibinaling ang atensyon sa pagbabasa ng magazine.  Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi kaya bumaling na lang siya sa kabilang panig ng kama upang hindi nito makita ang reaksyon niyang iyon.   Suko na ang puso niya, that’s for sure.  Yeah, sweet dreams.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD