CHAPTER 11

1359 Words
MAGAAN NA ang pakiramdam ni Kelly nang magising siya nang umagang iyon.  Agad hinahanap ng kanyang mga mata ang naging laman ng kanyang panaginip buong magdamag.  Nang hindi makita sa kanyang tabi si Buwi ay tiningnan naman niya ito sa veranda.  Wala rin.  Marahil ay nakauwi na ito sa bahay nito.  Sayang, hindi niya ito naabutan.  Para man lang sana nakapagpaalam siya nang maayos. Bumangon siya at napasinghap nang maramdaman ang pagkirot ng kanyang braso.  Asar!  Nakalimutan niyang may pilay pa nga pala siya.  Kailangang mag-ingat ng konti.  Nagkamot muna siya ng ulo bago tuluyang bumangon upang magbanyo.  Tatawag din siya mamaya sa Vaizard Studios para ipaalam na hindi na muna siya makakapunta roon.  Kapag hindi siya papayagan ni Kristine, e di sige, pupunta na lang siya.   Hahawakan na lang niya ang doorknob nang bumukas iyon.  At bumulaga sa kanya si Buwi na halatang katatapos lang maghilamos dahil basa pa ang buhok nito at idinadampi pa nito ang tuwalyang nakasabit sa balikat nito.  Wala rin itong damit pang-itaas.  Ngayon niya mas napatunayan kung bakit nahuhumaling ang napakaraming babae sa katawan nito. Holy cow!   “Kelly, bakit tumayo ka agad?”  Agad siya nitong inalalayan.  “Hinintay mo na lang sana ako.  Naghilamos lang naman ako.” “I, ah…I’m fine.” “Hindi ka ba nahihilo?” “Ano ako, buntis?”   He laughed and opened the bathroom’s door wider.  “Sige, mag-iingat ka riyan.  Nandito lang ako sa labas kapag may kailangan ka.” Humarap siya agad sa salamin pagpasok niya ng banyo.  Kitang-kita niya ang pamumula ng kanyang pisngi habang naghuhumindig at nagtitikwasan ang kanyang magulong buhok.  Mukha siyang pinagtaksilan ng tadhana pero maganda pa rin ang pakiramdam niya.  Tinampal niya ang kanyang mga pisngi. “Good morning too, Kelly,” bati niya sa kanyang sarili.  Hindi na niya mapigilan pa ang mapangiti.  “Magkasama kami ni Buwi buong magdamag.  Although walang nangyari, still, magkasama pa rin kami at iyon ang mahalaga.” Hayan, nababaliw na siya.  Malala na nga yata talaga ang lagay ng puso niya.  But who cares if she turned out insane?  Basta masaya siya na muli siyang nagmahal. “Kelly?  Okay ka lang ba riyan?” At ang lalaking iyon sa labas ang salarin.  “Yeah, I’m fine.” Naghilamos na siya at lumabas ng banyo.  Nag-aabang nga talaga sa labas si Buwi.  Iniabot nito sa kanya ang malinis na tuwalya. “Paano mong nalaman kung saan nakalagay ang mga tuwalya ko?” “Ibinigay sa akin ng nanay mo.”   “Si Nanay?  Talagang magkasundo na kayo, ha?” Hindi yata ito nakatiis kaya kinuha nitong muli ang tuwalya sa kanya at marahan nitong idinampi iyon sa basa niyang mukha.   “Sabi niya, kung ayaw ko raw umalis sa tabi mo, lubus-lubusin ko na,” wika nito.  Matapos tuyuin ang kanyang mukha ay hinawi naman nito ang buhok niyang dumikit sa kanyang pisngi.  Then he smiled at her.  “I never thought I could have this chance to see like this in the morning.” “Pangarap mong makita akong pangit at amoy panis?” “Sinong may sabing pangit ka sa umaga?” “’Yung salamin sa banyo.” “Sinungaling iyon.  Hayaan mo, babasagin natin iyon mamaya.”  Sinipat nito ang kanyang naka-sling na braso.  “How’s your arm?  Masakit pa rin ba?” Umiling lang siya.  Kung laging ganitong mga eksena at ito ang lalaking babati sa kanya tuwing umaga, hinding-hindi na yata siya makakaramdam ng sakit. O makakadamang pangit siya buong buhay niya. “Buwi, umuwi ka na muna sa bahay mo at magpahinga.  You’ve done enough for me.  Okay na ako.  Isa pa, nariyan naman si Nanay na mag-aalaga sa akin kung sakali.” “Sigurado ka?” “Oo.  Salamat sa pag-aasikaso mo.” “Wala iyon.  Alam mo namang noon pa man, gustong-gusto ko ng alagaan ka.  I’ve always liked the feeling of being needed by you.” Umiwas siya ng tingin dahil hindi na niya mapigilan pa ang mapangiti.  “Dapat naging doktor ka na lang imbes na Martial Arts instructor, kung talagang gusto mong mag-alaga ng mga may sakit.” “Ikaw lang ang gusto kong may sakit.”  Nilingon niya ito.  “Gustong alagaan.  Ikaw lang ang may sakit na gusto kong alagaan.” “Ah.”  Dinugtungan pa.  Okay na nga sana iyong una lang na sinabi, eh.  “Sige na, umuwi ka na.  Magkita na lang tayo mamaya.” Nagliwanag ang guwapong mukha nito.  “Bakit, anong meron mamaya?” “Wala.  E, di huwag kung ayaw mo.” “Sandali lang, Miss.”  Itinukod nito ang mga braso nito sa nakasarang pinto ng banyo nang akmang aalis na siya.  Nakulong tuloy siya sa pagitan ng mga braso nang wala sa oras.  Inilapit din nito ang mukha sa kanya.  “How about a morning kiss?” Dumagundong ang kaba sa kanyang dibdib.  “Kiss?  Bakit, boyfriend ba kita?” “Would you let me?” “Let you what?” “Be your man.” Nawalan siya ng imik.  Pero kung makakapagsalita ang katahimikan niyang iyon, ito ang masasabi niya.   Oo naman, ‘no!  Basta ikaw, nanginginig pa! “O, nawalan ka na ng imik diyan,” wika nito.  “Easy ka lang.  Binibiro lang naman kita.” Nasirang bigla ang ilusyon niya.  “Ganon?” “Huwag mo na lang intindihin iyon.  Makakasama sa pilay mo ang masyadong pag-iisip.”  He touched her hair.  “Siyempre pauso ko lang iyon.  But I do want you to get better soon.  Kung talagang hindi ka na magkakaproblema pa, babalik na ako sa bahay ko.  Huwag kang masyadong magkikilos, ha?”  Hinalikan siya nito sa pisngi.  “Nandiyan lang ako sa kabilang bahay.  Sumigaw ka lang kung may kailangan ka.”  Hinalikan uli siya nito.  “Ha?” “Pare,” sambit niya.  “Nakakarami ka na, pare, ah.” Ngumisi lang ito.  “Pinagsasamantalahan ko lang ang pagkakataon, Miss.” “Ano?” natatawa niyang tanong. “Nevermind.”   Akala niya ay hahayaan na siya nitong makawala.  Ngunit nanatili lang ito sa harap niya at tinititigan siya.  The steady beating of her heart went into chaos once again for the nth time that moment, as she noticed his head was slowly desceding upon hers.  Napaangat naman dito ang kanyang mukha upang salubungin ang mga labi nito.  She love the man and this opportunity was given to her, she’ll grab it anytime.  After all the heartaches and the pain, siguro naman ay panahon na para lumigaya uli siya.  Kahit sandali lang.   Nang bumukas ang pinto ng kanyang silid ay dahan-dahan pang pumasok ang kanyang ina.  Hindi sila nito agad napansin kaya nagawa pa nilang maghiwalay nang hindi nahahalata ng kanyang ina na may milagrong muntik ng mangyari. “O, Kelly, gising ka na?”  Napadako ang tingin nito kay Buwi na nakangiting itinaas lang ang isang kamay bilang pagbati rito,  “Naku, may importante yata kayong pinag-uusapan na dalawa.  Sige, maiwan ko na uli kayo.” “Huwag na ho, Aling Linda.  Paalis na ho talaga ako.  Nagpapaalam lang ako kay Kelly.”  Bumaling ito uli sa kanya.  “Alis na ako.” “Okay.” Nagpaalam na rin ito sa kanyang ina bago tuluyang lumabas ng kanyang silid.  Naiwan silang mag-ina na nagpapakiramdaman. “Galit ka sa akin?” “Bakit naman ako magagalit sa inyo, ‘Nay?” “Dahil naistorbo ko kayo.” “Wala iyon.” “Ah!  Naistorbo ko nga kayo!  Anong gagawin ninyo, ha?  Maghahalikan kayo, ano?” “’Nay!” “Sus!  Okay lang iyon.  Been there, done that.  Teka, ang ibig bang sabihin ng nangyari kanina…si Buhawi na ang napili mong pogi dito sa Calle Pogi?” Napailing na lang siyang natatawa.  Nanay ba talaga niya ito o kakambal ni Lolit Solis?  Naupo siya sa gilid ng kanyang kama at ipinagpatuloy ang pagpupunas ng kanyang nabasang buhok dahil sa paghihilamos. “Oo, ‘Nay,” nakangiti na rin niyang sagot. Pumalakpak ang kanyang ina.  “Magaling!  Magaling!  Magaling!  Tatawagan ko ang tatay mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD