CHAPTER 12

1515 Words
ARAW NG LINGGO.  Kasalukuyan sila noong nasa simbahan para sa pinakabagong dagdag sa mga inaanak ni Kelly na si Gregory.   “Hipan natin ang sindi ng ating mga kandila,” wika ng pari.  “At pagpalain ang mga inaanak para sa kanilang mabuting kinabukasan.” Buwi blew the flame of her candle as they finished their vow to be the child’s second parents together with the other ninongs and ninangs.  Tapos na ang seremonya ng binyag.  Pinaypayan pa nito palayo ang usok na nilikha ng kapapatay pa lang na kandila. “Masama sa baga iyan,” wika pa nito nang kunin sa kanya ang kandilang hawak niya.  “Baka mabigatan ka.  Hindi pa naman masyadong magaling ang pilay mo.” “Ilang tonelada ba iyang kandila ni Kelly at kailangan mo pang magpa-cute nang husto riyan?” komento ni Makisig na isa sa mga ninong.   “Magdasal ka na lang diyan, Makisig.  Baka sakaling bawasan ng Diyos ng tatlong porsiyento ang mga kasalanan mo.” “Buwi, pakidala na rin ito.”  Isinalaksak ni Drei, isa rin sa mga ninong, ang kandilang hawak nito.  “Tutal galante ka namang magbitbit ngayon ng mga kandila, hindi ba?  O, eto pa.” Pinagkukuha nito ang mga kandila sa iba pang ninong at ninang na katabi nito at ibinigay iyon kay Buwi na kulang na lang ay silaban ang mga kaibigan.  Kinuha niya rito ang ilan sa mga iyon. “Tulungan na kita.” Tumikhim sina Drei at Makisig.  Sa magkakaibigan na taga-Calle Pogi, ang tatlo lamang na ito ang nakuhang ninong para kay Gregory.  Next time na lang daw ‘yung iba sa mga pogi, biro pa nga ng kaibigan niyang si Berna. “Ako na lang, Kelly.  Baka mahirapan ka lang.” “Ano naman ang mahirap sa paghahawak ng kandila?” “Aba, marami.  Basta ayoko lang magbuhat ka kahit gaano pa iyan ka-gaan.” Napangiti na lang siya.  Buwi’s been really sweet and caring ever since that day she got injured.  Ngayon, wala na ang sling sa braso niya pero patuloy pa rin ito sa pag-aasikaso sa kanya.  Madalas ng umarangkada ang imahinasyon niya tungkol sa totoong dahilan ng ginagawa nito para sa kanya.  Pero hindi naman ganon kakapal ang mukha niya kaya sinasarili na lang niya ang mga iniisip niyang iyon.  He almost kissed her that day after she injured herself.  Pero mula noon ay wala na itong ginawa pang advances sa kanya.   Sayang nga, eh. “Buwi, kumpadre, hayaan mo naman munang magpakabanal si Kelly.” “Huwag mo siyang demonyohin, Buwi.” “Shut up, you two!” Buwi hissed.  Nang mapatingin ito sa kanya ay nag-sign of the cross na lang ito.  “Sorry po.” “Drei, Makisig, huwag na nga ninyong pag-initan si Buwi,” saway niya sa mga ito.  “Kung ayaw ninyong lunurin ko kayo sa holy water.” Napangisi lang ang mga ito gaya ni Buwi.  She had a sinking feeling that these men set up that little scene to forced her to talk.  Mga impakto!   “O, picture-taking na!” announced ni George, ang asawa ni Berna.  Nagtipon-tipon na ang mga ninong at ninang para sa magpakuha ng larawan.  Lumapit naman siya kay Berna at kinulit ang munting anghel na karga nito.   “Hi, baby!  Huwag kang gagaya sa mga ninong mong iyon, ha?  Mga sira ulo pa naman ang mga iyon.” “At ikaw ay hindi?” nangingiting bulong na tanong ni Berna.  “Nagsalita ang matino.  Siyanga pala, may naririnig akong bali-balita sa Calle Pogi, ah.  Nanliligaw na raw sa iyo si Buwi?” “Ha?  Hindi, ah.” “Hindi pa?  Hay, akala ko pa naman ang pagiging magkumpare ninyo kay Gregory ko ang magiging daan para magkalapit na kayo.  Sayang kasi kayo, eh.”   Siya rin nanghihinayang.  Pero wala siyang balak na aminin iyon sa kahit na sino, puwera lang sa makulit niyang nanay.  “Ewan ko sa inyo.  Bakit ba kasi ninyo pinag-iinteresan pa ang nangyayari sa amin ni Buwi?  Mabuti nga at nagkasundo na kami kaya huwag na ninyong lagyan iyon ng isyu.  Maraming bigo at inlove sa barangay natin.  Sila na lang ang pag-initan ninyo.” “Mas cute ang pair-up ninyo ni Buwi, eh.  Isang playboy at isang galit sa mga playboy.  O, di ba?  Napaka-romatinc!” “Hindi ako galit sa mga playboy,” pabulong na lang niyang wika ngunit sapat upang marinig ni Berna.  Hinihintay nilang matapos ang pagkuha ng mga larawan para sa grupo ng mga ninong.    “So, you like Buwi na?”  Ngumisi lang ito nang hindi siya makasagot.  “Buwi’s been watching you.” Tila may kung anong kumiliti sa puso niya sa narinig.  “Hayaan mo siya.” “Lingunin mo.  Tapos kindatan mo.  Siguradong paglabas ninyo rito, kayo na.” “I’m not listening to you.” Pero dahil sa sinabi nito, naging mas aware siya sa presensiya ni Buwi sa kanyang tabi nang magsama-sama na ang mga ninong at ninang para magpakuha ng larawan.  Hindi iilang beses na napapasulyap siya sa direksyon nito.  And everytime, nahuhuli nga niya itong nakatingin sa kanya at pagkatapos ay ngingiti.  Hindi na mapakali ang kanyang puso. “Buwi, magpakuha kayo ng picture ni Kelly,” suhestiyon ni Berna.  “Kel, kargahin mo itong si Gregory.” “Hindi ako marunong magkarga ng bata.” “Ako na lang.”  Napatanga na lang siya nang kunin ni Buwi kay Berna ang nagising ng sanggol.  “Hi there, little boy.  I’m your big and handsome ninong Buwi.”  Iniharap nito sa kanya ang bata.  “And this is your beautiful ninang Kelly.” “Saan ka natutong humawak ng bata?” hindi niya mapigilang itanong.   “Maraming praktis, Kelly,” singit ni Drei na siyang may hawak ng camera.  “Hindi mo kasi naitatanong, maraming panganay iyang si Buwi.  Di ba, kumpadre?” “Kung wala lang tayo sa simbahan,” wika ni Buwi.  “Nilunod na kita sa mura, Alejandrino.” Agad lumukot ang mukha ni Drei nang marinig ang buong pangalan nito.  At basta na lang sila kinuhaan ng picture. “Okay, who’s next?” Pero hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya.  Patuloy lang niyang pinagmamasdan si Buwi na aliw na aliw sa pakikipag-usap sa bata.  And he looked really cute with a baby in his arms.  Nakakalambot ng puso para sa mga babaeng makakakita rito.  Hindi nga siya nagkamali. “Ang cute naman niyang tingnan,” narinig niyang wika ng isang babae sa kabilang panig ng platform kung saan sila nagpapakuha ng larawan.  “Ang macho-macho niyang tingnan.” “Magpakilala tayo mamaya pagkatapos niyang magpa-picture.” Masamang tingin ang ibinigay niya sa mga ito nang lingunin niya.  Back off, ladies!  He’s mine.   Lumapit siya nang husto kay Buwi at kumapit sa braso nito saka ngumiti sa direksyon ni Drei.  Mabuti naman at nakisama na rin ito kaya nakuhaan sila ng magandang anggulo ni Buwi. O ngayon, mga girls.  Alam na ninyo kung sino lang ang nagmamay-ari sa lalaking ito.  At ako iyon.  hmmm? “O, kiss daw,” bulong ni Buwi sa kanya. “Ha?” “Joke lang.” “Ganon?”  Naglakad na ito palayo nang magsalita siyang muli.  “Gusto mong subukan?” Napahinto ito at lumingon sa kanya.  Nilapitan niya ito.  Pagkatapos ay huminto siya sa harap nito at saka ito binulungan. “Joke lang din.”  Akala mo ikaw lang, huh.  But then the camera flashed. “Burahin mo iyan,” wika ni Makisig na nakitingin sa digital camera ni Drei.  “Malaswa.  Parang naghahalikan.” “Kapag binura mo iyan,” may pagbabanta na sa boses ni Buwi nang balingan ang mga kaibigan nito.  “Kayong dalawa ang buburahin ko sa mundong ito.” Nakitawa na rin siya sa biruan ng mga kumpare at kumadre niya nang mapadako ang tingin niya sa isang grupo ng mga magpapakuha rin ng larawan sa kinaroroonan nila.  Isa sa mga iyon ang nakakuha ng atensyon niya.  Napatitig na lang siya rito nang mapatingin din ito sa direksyon niya. She could never forget that face.  “Nelson…” “Gusto mong upakan ko?”  Napalingon siya kay Buwi nang marinig ito sa kanyang tabi.  Masama na ang tingin nito sa direksyon ni Nelson.  “Kahit nasa simbahan tayo, uumbagin ko iyan.  Sabihin mo lang.” Habang tinitingnan niya ito ay mas lalo pa niyang napatunayan na wala ng dahilan para makipag-communicate pa siya sa kanyang nakaraan.  Si Buwi na lang ngayon ang tanging kinikilala ng puso niya. “Umalis na tayo, Buwi.  Naiwan na tayo nina Berna.”  Kunot-noo siya nitong binalingan.  Alam niya kung ano ang tumatakbo sa isip nito.  “Binyag ng pangalawa niyang anak.  Hayaan na lang natin siyang mag-celebrate kasama ng pamilya niya.” Kung ano man ang naging reaksyon ng binata sa sinabi niya, hindi na lang niya iyon inalam pa.  Wala na talaga siyang pakialam kung pang-walong panganay pa ni Nelson ang pinabibinyagan nito.  Basta masaya siyang narito lang sa tabi niya si Buwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD