Chapter 47

2350 Words

“FOOD delivery po, ma’am!” nakangiting bungad ng lalaking crew na may tulak na food cart. Napawi ang kaba ni Malia. Wala naman siyang order na pagkain pero naalala niya ang sinabi ng front office clerk na package deal ang nakuha niyang kuwarto. May kasamang dinner at breakfast. Pinapasok na lamang niya ang lalaki at hinayaang ayusin nito ang pagkain sa mesa. Marami nang mensahe sa kaniya si Aldrin pero hindi niya sinasagot. Natakot na siya simula nang sabihin ni Andrew na posibleng may kinalaman si Aldrin sa pulang kotse na nagmamanman sa kaniya. “Sino ‘yon?” tanong ni Andrew nang makalabas ng banyo. “Food delivery,” aniya. Sabay na silang umupo sa tapat ng mesa. “Okay ka lang ba?” mamaya ay tanong ni Andrew. Nahahalata malamang nito ang pagkabalisa niya. Panay ang buntong-hininga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD