ANG weird ng kilos ni Malia. Pagkatapos nilang maghapunan ay kaagad itong natulog, at late nang nagising kinaumagahan. Hindi na sila naligo sa dagat, namasyal na lang sa bayan at namili ng souvenirs. “Wala na ba kayong bibilhin? Babalik na tayo sa resort para mag-impake,” tanong niya sa mga kasama. Nasa loob sila ng van ng resort kasama pa rin ang tour guide na naka-assign sa kanila. “Wala na,” sagot ni Malia. Konti lang ang nabili nito. Mga pasalubong nito sa kapatid. Mas marami pang nabili si Marga at mommy niya. Siya naman ay puro kakaibang pagkain at prutas ang binili. Mabuti walang nakakilala sa kaniya. Nagsuot kasi siya ng wig at oversize na sunglasses. Pagbalik sa resort ay dumiretso siya sa lobby upang bayaran ang extra charges nila. Ibinigay rin sa kaniya ng tour guide ang pr