PANAY na ang tawag ng papa ni Malia at inaalam kung matutuloy sila sa Bataan sa araw ng Sabado. Wala nang atrasan kaya sinikap ni Malia na matapos ang nabinbin niyang trabaho sa opisina. Biyernes ng hapon ay sinundo siya ni Andrew sa AAC. “Darating mamaya ang van ni Papa,” aniya. “Puwede namang kotse ko na ang gamitin. Kasya naman tayo. Sasama ba ang mga kapatid mo?” ani ni Andrew. “Si Melanie lang ang sasama dahil wala siyang pasok. Two days lang naman tayo sa Bataan. Monday ng umaga ay uuwi na tayo. Pero dapat madaling araw pa lang bukas ay bibiyahe na tayo.” “Si Jerom, magdadala ba ng kotse?” “Hindi raw. Ayaw niyang magmaneho sa long distance. Eh ikaw?” “Kaya ko namang mag-drive mga hanggang tatlong oras.” “Nako, estimated time travel four to five hours. Pero madaling araw naman